Mr. Genius X Mr. Blood Sucker AiTenshi Aug 9, 2017 Part 25: Ang Pag Iisang Dibdib "Sa susunod na linggo na ang itinakdang araw ng ating kasal. Iyon ang sabi ni Mr. Wilson" ang wika ko noong makalapit kay Rael na noon ay naka upo sa itutok ng kastilyo. "Alam ko." ang sagot niya habang naka tanaw sa kawalan. Katulad ng dati ay malamig pa rin ang hangin dito sa itaas, para itong yelo na nanunuot sa aking balat. "Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ko ulit "Masaya ako, ngunit.. Sa kabilang banda ay natatakot ako dahil baka iwanan mo ulit ako. Parang hindi ko kaya na malayo sa iyo. Parang ikamamatay ko." ang seryosong tugon niya "Natatakot rin ako. Pero ayokong isipin iyan lalo't ang gusto ko ay maging masaya tayong dalawa habang mag kasama. Walang nakaka alam kung k