Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017 AiTenshi Aug 10, 2017 Part 28: Ang Mortal na si Rael Matapos ang almusal ay naisipan kong ipasyal si Rael sa labas. Alam kong ito ang unang pag kakataon na malilibot nya ang aming magulo at maingay na mundo kaya excited akong ipakita sa kanya ang lugar na aking kinagisnan. Pero bago iyon ay nag hanap muna ako ng makapal na jacket at damit para sa kanya. Sinuutan ko rin siya ng dark shades at takip sa mukha upang hindi sya masikatan ng araw at malusaw. Maya maya ay hinubad nya ito. "Ano ba ang init kaya, ano bang ginagawa mo sa akin?" ang naiinis niya tanong "Ano kaba. Protection mo yan, baka maya maya masunog ka pa, pag dadakutin mo pa ko ng abo mo para iuwi sa Kailun." tugon ko at Pinilit ko syang pag suotin ng jacket pero nag matigas siya at