Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Season 3 AiTenshi Oct 7, 2017 “Madaragdagan ang kanyang kapangyarihan at liliit ang tiyansa nating magapi siya.” sagot ni Io at habang abala kami sa pag uusap ay bigla na lamang sumugod si Rael sa kinalalagyan ng kalaban at mabilis itong nag bigay ng isang malakas na pag atake. Part 94: Sagradong Kalasag "Rael huwag!!" ang sigaw ko. Umatake si Rael at ginawaran niya ng isang malakas na suntok ang kalaban ngunit hindi man lang tumalab. Parang may kakaibang harang sa kanyang katawan kaya tumilapon nalang na parang laruan inihagis si Rael sa ere. Maya maya ay si Io ang sumubok. Lumundag ito at itinarak ang kanyang espada sa harang ng kalaban ngunit katulad ni Rael ay tumilapon lang din ito. "Hala, ang titigas kasi ng ulo ng mga blood su