Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017 Season 3 AiTenshi Oct 9, 2017 "Iyan ang gusto ko sa iyo bata. Matapang ka pa rin kahit wala ka nang ibubuga. Tama ka doon, dahil hindi matatapos ang lahat ng ito hanggang hindi napapa sa akin ang mundong ito. At kahit mawala pa ako ngayon ay babalik pa rin ako upang tapusin ang aking nasimulan. At ngayon, gusto kong sabihin na tapos na ang oras para sa iyo. Tapos na ang larong ito at ang nanalo ay ako." ang wika niya at doon ay tumaas ang kanyang buntot, naging matalas ito na parang patalim at mabilis na humataw patungo sa akin. Tumawa ito ng malakas.. Tumilamsik ang dugo at tumama ito sa aking mukha. Part 99: Ang huling Palaso Tumilamsik ang dugo sa aking mukha dahilan para ako ay mapa pikit. At noong imulat ko ang aking mata ay na