Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Season 3 AiTenshi Oct 3, 2017 "Nandito ka sa aking mundo. Nagulat ka ba? Pasensiya ngunit ngayon lang ako nag karoon ng pag kakataong tumugon sa inyo kaya't nagawang dalhin kayo sa dimensyong ito." sagot "Sino ka nga? Kilala ba kita?" tanong ni Rael Ngumiti ito at inilahad ang kanyang kamay "Ako si Leandro. Ikinagagalak kitang makilala." ang wika nito. Part 89: Leandro at Idan "Leandro? Yung ninuno namin?" tanong ni Rael "Ako nga, pero hindi mo ako ninuno ngayon, tingnan mo nga parang mag kasing edad lang tayong dalawa." ang wika nito. "Teka kung ikaw si Leandro ay nasaan si Idan?" ang tanong ko "Ayun, namimingwit ng isda. Ang sabi ko sa kanya ay wala siyang makukuhang isda dahil malakas ang alon, matigas ang ulo eh." pag