Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Season 3 AiTenshi Sep 28, 2017 Part 82: Si Enchong at Rael sa Nakaraan Isang naka sisilaw na liwanag ang tumama sa aking mukha dahilan upang imulat ko ang aking mga mata. Dito ay nakita ko rin si Rael na nakadapa sa damuhan at wala pang ulirat kaya naman agad ko siyang pinuntahan at ginising. "Rael, gising.." ang bulong habang tinatapik ang kanyang pisngi. Nag simula siya mula ang kanyang mata. "Ughhh, saan tayo?" tanong niya "Hindi ko alam, pero naroon ang Kastilyo ninyo." ang wika ko naman. Agad bumalikwas ng bangon si Rael at pinag masdan ang paligid "Iyan ang Kastilyo namin. Kaso ay iba ang kulay nito at maayos pa ang mga haligi." ang wika nito habang iniikot ang kanyang paningin sa paligid. "Nandito tayo sa Kailun. Sa panahon ng