Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017 Season 3 AiTenshi Sep 26, 2017 Part 78: Ang Selosong Si Rael "Good morning baby ko" ang bati ko noong makitang gising na si Rouen. "Mukhang nahimbing ka dyan sa amoy ng tatay mo." ang dagdag ko pa. Natawa si Rouen at agad itong yumakap sa akin. "Love mo ba ako?" ang tanong ko "Opo, love po." sagot niya sabay halik sa akin. Maya maya ay bumitiw ito sa pag kaka yakap sa akin at saka lumundag sa tiyan ng ama dahilan para magising si Rael. "Arekup!! Sakit" ang daing nito "Good morning papa. I love you." ang wika ng bata sabay yakap kay Rael at hinalikan ito sa pisngi. Nangiti ang ama at niyakap nito ang anak. Ang sarap nilang panoorin at nakakatuwang pag masdan na masyadong hands on si Rael sa kanyang anak. Isang linggo noo