KABANATA 23: ISANG oras din ang video call naming tatlo bago ako tuluyang humiga sa kama. Mabuti na lang tinigilan din nila ako kaka-reto kay Philip o di kaya kay Emil. Hindi ko nga inamin sa kanila kung ano ang nangyari sa amin ni Emil. Ayoko dahil hindi naman nakaka-proud iyon. Nakakahiya nga na higit na sa halik ang namagitan sa amin. Kung hindi dahil kay Philip baka nga hindi na ko virgin ngayon. I don't know what to feel. Para bang nakahinga ako ng maluwag na dumating si Philip. Nagising ako sa katotohanan na dapat akong tumigil. Na mali ang ginagawa ko. But a half of me was pissed. Upset? Kasi I want it too. Ang gulo pero isa lang ang sigurado ako. Kung walang Philip kanina, nakuha na ni Emil ang pinakaiingatan ko. Napapikit ako ng mariin at dumapa sa kama. Sinubsob ko ang mukha