KABANATA 35: EMIL took my virginity. He was my first, and I hope he will be my last. Siya na ang nakauna sa akin kaya sana naman kami na din sa huli. Naulit pa ang nangyaring iyon sa amin at tingin ko mas lalo kaming nahulog at mas naging kumportable sa isa't-isa. Unti-unti akong nasanay sa pagiging clingy at touchy niya. Kapag may pagkakataon ay nagugulat na lang ako na bigla na lang niya tinatampal ang puwitan ko sa tuwing nangigigil ito. Basta't maabutan ko na namumungay na ang mga mata niya. Alam ko na ang ibig sabihin niyon. We never use my office to make love. Mga nakaw na halik at tsansing lang nagagawa niya dahil may mga staff ako sa labas. Hindi puwede na magtagal siya sa opisina. Ako na rin ang pumipigil. Ilang beses iyong naulit sa lawa, sa kuwadra, at kung minsan ay magts