KABANATA 20:
WALANG kaalam-alam si Philip sa nangyayari na naiilang ako kay Emil. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng ganoon. Lalo na hindi ko naman siya makitang nakangiti. Seryoso ang kanyang mukha habang kinukuha sa akin si Alexandra.
Bumalik kami ni Philip sa Hacienda habang abala pa si Emil sa kuwadra. Nagpaalam naman si Philip kaya hindi na ko nagsalita pa. Bigla kasi din akong tinamaan ng hiya.
Tuwang-tuwa si Lolo ng malaman niya ang nangyari sa amin buong araw. Ito naman kasi talaga ang gusto niya. Ang maasikaso ko si Philip at magkaroon kami ng bonding dalawa. Walang bukambibig si Lolo kundi kung gaano siya katuwa na narito ngayon at nage-enjoy naman si Philip sa Hacienda.
Iniwan na nga niya kami sa dining table para makapag-solo.
"My Lolo is fond of you," sabi ko habang sumisimsim ng wine.
Nagpasya kaming magpatuloy sa pag-uusap sa may pool area ng Mansion. Nakababad ang mga paa namin sa tubig habang umiinom ng wine at nagku-kwentuhan. Medyo nawawala na ang pagka-ilang ko kay Philip. Unti-unti na kong nare-relax kapag kausap siya. Although syempre may limitations pa din. Kasi hindi naman talaga kami close in the first place.
Sumulyap ako kay Philip ng hindi ito sumagot. Naabutan ko ang pag-angat ng gilid ng labi nito.
"I am overwhelmed that he likes me. Para akong VIP sa Hacienda. Too bad her granddaughter doesn't like me." Humalakhak ito.
Napailing na lang ako. Alam ko naman na dinadaan niya lang sa tawa ang sinabi nito.
"Well, you're wrong. I like you naman! As a friend..." Napangisi ako at uminom sa wine glass.
Napatango-tango si Philip at napainom na din. Hindi pa rin naman nawawala ang bakas ng ngiti nito sa kanyang mga mata. Nahihiya pa ako na pag-usapan ang tungkol sa status naming dalawa. Tungkol sa pambabasted ko sa kanya pero ngayon unti-unti okay na.
Kinabukasan ay dalawa na lang kami ulit ni Philip ang nasa dining area para sa almusal.
"Nasaan si Lolo?" tanong ko sa katulong habang inaayos ang table napkin para mailagay sa aking binti.
"Nasa kwarto po, Senyorita."
"Bakit hindi pa bumababa? Pakitawag naman," sabi ko at nilingon ko ang katulong na abala na sa paglalagay ng tubig sa aking baso.
"Busog na siya, Senyorita. Kumain na po si Senyor."
"Ha?" Nabitin sa ere ang hawak kong baso.
Nagkatinginan kami ni Philip. Natawa ito at napailing. Tila nahulaan na kung bakit.
"Nauna na po, Senyorita. Kayo na lang daw po ni Mayor ang kumain ng almusal."
I rolled my eyes. I know what he's doing. Hindi pa alam ni Lolo na binasted ko si Philip. Pero kahit ata aminin ko, patuloy pa din ito sa pagrereto niya kay Philip sa akin.
Wala kaming nagawa kundi magpatuloy sa pagkain kahit na wala si Lolo. Pangatlong araw na ni Philip sa Hacienda. Para sa araw na ito ay plano naming mag-stay buong araw sa lawa. Dahil natuwa siya sa water activities. Susubukan daw niya ang bago namin, ang wakeboarding.
Iyon nga ang pinagka-abalahan namin. Sa lake agad kami nagpunta at sinamahan ko siya. Hindi na lang ako nakisali dahil nakailang beses ko ng ginawa iyon. Nanunuod lang ako sa kanya at nanatili kasama ang ilang staff sa tent.
Napasulyap ako sa cellphone ko at nakitang maingay na naman ang Group Chat namin nila Phoebe at Rita dahil nga nandito ngayon si Philip. Nakikisagap sila ng chismis.
Phoebe: For sure nagseselos niyan si Emil!
Rita: Right, gusto ka nga kasi 'non!
I rolled my eyes. Matapos kong i-send ang selfie ko ngayon na nahagip sa background si Philip ay nagkagulo silang dalawa sa group chat.
Me: Wala ba kayong trabaho? I'm gonna fire you all if I were your boss.
Rita: Lucky you're not! HAHAHAHA
Phoebe: Okay lang, 'yong nasa higher position nga puro f*******: lang ginagawa. Kami hindi p'wede? HAHAHAHAHA
I rolled my eyes while smiling. Hindi ko na sila ni-replayan at tumayo na ko para sana magbabad na sa lawa. Maganda na ang panahon dahil hindi na tirik ang araw. Kaso ang daming tao sa area na ito dahil nga open sa mga guest. Ilang minutong lakaran pa para marating ko ang private property namin. At least doon, solo ko lang. Walang ibang istorbo.
"Kuya Nelson, lilipat muna ko sa kabila. Maliligo ako doon..." Tinuro ko ang parteng pribado na para lang sa pamilya namin. Sinundan ng tingin iyon ng staff namin. Isa siya sa mga lifeguard sa lawa.
"Sige po, Maam." Tumango ito.
"Pasabi kay Mayor, duon lang ako maliligo. Mukhang enjoy na enjoy siya sa wakeboarding. Matatagalan pa 'yan kaya lipat muna ko sa kabila. Kapag gusto niya pumunta pakisamahan na lang," sabi ko sabay bitbit ng waterproof bag.
"Copy, Maam!"
Tinanaw ko muna si Philip sa malayo. Nage-enjoy pa talaga siya sa tubig. Kanina pa kaming umaga sa lawa. Nag-kayak, jetski. Nagfishing din. Bago nitong hapon ay wakeboarding na ang inaaral niya. Ilang oras na kaming nakatambay doon kaya nangangati na ang paa ko na magpunta sa ibang lugar.
Naglakad ako at ilang minuto lang ay nakarating na ko sa private area. Dinig na dinig ang mga huni ng ibon at ang sarap lang na maligo kapag ganitong hindi siksikan. Walang ibang tao kundi ako. Napangisi ako. Pumasok ako sa banyo at iniwan doon ang cover-up at ang bag. Lumabas ako ng naka red two piece swimsuit. Inalis ko ang tali ng aking buhok. Inayos at sinaboy ko sa hangin ang aking mahaba at kulay kapeng buhok sa hangin.
Mabilis akong tumalon sa tubig at sumisid. Lumangoy ako ng lumangoy at nagpaikot-ikot para habulin ang ilang isda na nakita. Sumisid ulit ako at lumangoy papalayo sa kaninang pwesto. Ito din ang paboritong lugar naming magpi-pinsan. Marami akong alalala dito at sabi ko nga kahit noon pa. Gusto kong magpatayo ng bahay kubo malapit dito kaso ayaw ni Lolo. Gusto niyang ma-reserve iyong tunay na ganda ng lugar. Para sa tuwing pupunta si Lolo maalala niya at hindi nagbago ang lawa na ekslusibo para talaga sa amin.
Ito din ang paborito nila Lolo at Lola noon. Kaya ayaw niya ipagalaw. Iyong bathroom nga sobrang balitaktakan pa ang nangyari bago siya pumayag. Ilang taon pa 'yon bago nangyari. Pero ang bahay na hinihirit ko kahit na maliit. Ayaw niya talaga. Nirerespeto ko na lang dahil sa kanya naman talaga ang buong Hacienda maski ang lawa. Sa kanya orihinal ito at ikaw nga sabi niya. Habang siya ay nabubuhay, walang pwedeng gumalaw sa pagmamay-ari niya ng wala siyang permiso.
Umahon ako mula sa tubig at bumuga ng hangin. Nagtagal ako sa ilalim at nawili. Hingal na hingal ako. Ganunpaman, gustong-gusto ko pa din na manatili sa tubig. Kumunot ang noo ko ng makarinig ng kaluskos. Sinubukan kong sumilip at nanliit pa ang aking mga mata para lang tignan ang mga puno. Kaso wala naman akong nakita.
Lumangoy ako para lumapit ng kaunti.
"Philip, andiyan ka na?" tawag ko. Pero walang sumasagot.
Nagkibit-balikat ako. Baka hayop na naman. Pero wala namang malalaking hayop dito or delikado tulad ng mga baboy ramo or ahas. Sumisid na lang ako at naghabol muli ng mga isda sa ilalim ng tubig. Umahon ako matapos ng limang minuto. Lumapit ako sa pampang at tuluyan ng umalis sa tubig. Nakalimutan kong kunin ang Gopro ko sa bag. Napatingin ako sa banyo ng marinig na kumalabog ang pinto. Inatake ako ng kaba pero nakuha ko pa talagang lumapit para lang tignan kung anong mayroon.
"I must be hallucinating," wala sa sarili kong sabi ng makitang wala namang tao at lahat ng cubicle ay bukas. Tsaka ko naisip na posibleng hangin lang iyon dahil malakas naman ang hangin sa area.
Nakatalikod ako sa pinto at abala sa pagkuha ng Gopro sa bagay ng may humawak sa aking beywang!
"Ahh!" Napatili ako ngunit agad ding nahinto ng takpan ang aking bibig!
Ang lakas ng kabog ng aking dibdib sa sobrang kaba! Iniharap niya ako kaya laking gulat ko na si Emil pala ang taong iyon!
Mabilis niya akong hinapit sa beywang.
"Emil! Bakit ka ba nangugulat! Para kang magnanakaw!" iritado kong sabi. Panay taas ang baba ng aking dibdib tanda ng mabilis na paghinga. Hindi ako makabawi sa gulat.
I rolled my eyes in annoyance.
"Pasensya na. Surpresa sana kaso nagmukhang masama pa pala ako." Natatawang sabi nito.
Inirapan ko siya. Kahit na nainis ako sa ginawa niya ay aminado akong masaya at tila ba exciting na nasa harap ko siya ngayon. Nanahan ang palad nito sa beywang ko at tila ba hirap akong pagbawalan si Emil na gawin iyon.
"Anong ginagawa mo dito?" Tinagilid ko ang aking ulo habang nakatingin sa kanya. Napatuwid ako ng tayo ng makitang namimigat ang mga mata ni Emil habang pinasadahan ang buong katawan ko.
"Ayokong makita niya na ganyan ang suot mo." Umigting ang panga nito.
Napatingin ako sa sarili. Kanina ko pa suot ito maging ng kasama ko si Philip kanina.
"Kanina pa kita nakikita at hindi ako natutuwa na nakikita ka niya na ganyan ang suot mo. Alam ko naman wala akong karapatan pero hindi ako mapirmi kung hindi ko naman sasabihin sa'yo 'to." Gumalaw ang panga ni Emil at tumingin sa ibang direksyon.
Napasulyap ako sa shirt at pants nitong nabasa dahil sa akin. Binalik ko ang mga mata ko sa gwapo niyang mukha. Napangiti ako na tila ba mas gumwapo siya ngayon sa aking paningin. Ngayon ko lang siya nakitang nakatali ang mahabang buhok. A total bad boy image. Sa kanya na lahat at hindi ako natu-turn off! Mas lalo akong kinilig at nagustuhan ang style ng buhok ni Emil ngayon.
"Bakit ka sumunod? Oras ng trabaho, Emil. Pwede kitang tanggalin sa trabaho sa ginagawa mo?" Mapanghamon kong sabi sa kanya. Taas ang aking noo at lumapit lalo sa kanya.
Napatingin siya sa akin partikular na sa aking malulusog na dibdib. Tila napapaso itong nag-angat ng tingin. Para akong nakaramdam ng hiya bigla. Kami lang dalawa sa loob ng banyo tapos ganito pa ang suot ko. Umiwas ako ng tingin pero nararamdaman ko na bigla ang tila ba pag-init ng paligid.
"Gusto kong bantayan ka," walang kagatol-gatol na pag-amin nito.
Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang ako sa mga mata ni Emil na sa tuwing titignan ko ay para talaga akong hinihipnotismo. Bumagsak ang mga mata ni Emil sa labi kong naka-awang.
Segundo lang ang tinagal. Sinakop niyang muli ang aking labi. Mabilis kong kinawit ang dalawa kong kamay sa leeg niya. Sinabayan ko ng kasing lebel ng intensidad ang mga halik niya.
Hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko. Nagpatianod ako sa pagnanasa. Ramdam ko ang pag-urong namin hanggang sa nakarinig ako ng paglapat ng pinto at pag-click ng seradura tanda ng pag-lock niyon.
"S-senyorita..." namamaos nitong sabi sa pagitan ng bawat nitong halik. Panay ang daing ko. Para na naman akong nilalagnat dahil sa sobrang init. Namimigat ang talukap ng aking mga mata.
"Nababaliw na ko sa'yo!" anito at muli akong hinapit sa beywang para kabigin at siilin ng mainit at marubdob na halik. Naramdaman ko na ang unti-unting paglalakbay ng mga palad nito pataas na aking katawan.
"Baka po naliligo pa si Senyorita. Mahilig po kasi sumisid 'yon."
Napahinto kaming dalawa ni Emil. Nanlaki ang aking mga mata!
"Si Philip nandito!" bulong ko habang pinandilatan ko siya ng mata.
"Sige, salamat! Okay na. Aantayin ko na lang siguro dito..." boses ni Philip.
Kumalabog lalo ang puso ko hindi na sa excitement kundi sa doble-dobleng kaba. Anong iisipin ni Philip kung pareho kaming lalabas ni Emil sa banyo!
"Shh..." anito at nilapit ang mukha niya sa akin.Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. Sumandal si Emil sa pinto habang nanatili pa din ako sa yakap niya.
"Geselle?"
"E-emil... nasa la—"
Hindi ako natapos sa pagsasalita ng ilagay nito ang hintuturo sa aking bibig.
"Geselle!" sigaw na nito na tila tinatawag ako sa malawag na lawa. Akala ay sumisid ako.
"Shhh..." si Emil habang ang mga mata ay inaantok pa din na nakatingin sa akin.
Nakarinig kami ng yapak papunta sa banyo. Napapikit ako ng mariin lalo na sinubukang buksan ni Philip ang seradura ng pinto!
The next thing I knew. Emil cupped my face with both of his hands and kissed me hungrily for the third time.