MAHIGPIT na hinawakan ni Rael ang kamay ni Dahlia bago diretso sa tuktok ng escalator ang paningin. Dapat inasahan na niya na mangyayari ang bagay na iyon. Masiyado siyang naging kampante na puwedeng hindi kumilos ang mga kalaban dahil papunta na sa tattoo artist si Butler Jose kasama ang mga tauhan ni Don Devid. Mukhang hindi tumitigil sa pagmamanman ang mga lalaki dahil nasundan pa rin sila ng mga ito. Napansin naman ni Dahlia ang paghigpit ng hawak niya sa kamay nito. Nagtataka ang babae nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya. Hindi pa man nakapagsasalita si Dahlia, mabilis niya itong hinila at nagmamadaling humakbang paakyat sa gumagalaw na escalator. Hindi na nilingon pa ni Rael ang mga kalaban. Nang marating ang tuktok ay mabilis niyang iginiya si Dahlia paakyat sa escalator patun