Chapter 1
Chapter 1: Meet Yami
{ YAMI's POV }
Pang-ilang libro ko na ba 'to? Sa sobrang daming libro ko ng nabasa ay hindi ko na mabilang kung ilan na ba ang nabasa ko. Lahat na nga ata ng libro dito sa library ay naubos ko na dahil narin sa araw-araw ako ditong tumatambay para magbasa.
Tumingin ako sa orasan ng library at sakto, time na para sa next subject. Lunch kasi namin kanina at ngayon ay English na. Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Inayos ko rin ang eyeglasses ko bago naglakad na palabas ng library.
I'm Yami Pineda. 17 years of age at grade 11 na ako. Senior High in Ford University. Mahirap lang ako at hindi ako kagaya ng mga ibang nag-aaral dito. Ako nga lang ata ang nag-iisang mahirap rito eh. Pasalamat na nga lang ako dahil naging scholar ako kung hindi, wala ako ngayon dito. Sa Auntie ko na lang kasi ako nakatira dahil patay na sila mama at papa.
Si Papa ay namatay sa isang aksidente at si mama naman ay sa sakit. Hindi ko nakilala si papa pero ang sabi sa akin ni mama ay namatay daw ito dahil sa isang aksidente. Sa pagkakaalam ko pa, mayroon akong kapatid sa labas, kay papa. Pero hindi ko ito nakilala dahil narin sa na-aksidente si papa at namatay. Oo, nagalit ako kay papa nung nalaman kong niloko nya si mama pero syempre, tao lang din ako at kayang magpatawad.
Namatay sya ng hindi ko nasasabi sa kanyang napatawad ko na sya ng buo, at yun ang pinagsisisihan ko. Kitang kita ko kung paano nalungkot si mama at nagmukmok, halos nakalimutan na nga rin nya na may anak sya dahil lagi na lang syang naglalasing. Lagi na lang syang nagkukulong sa kwarto. Masakit, syempre. Sino ba namang hindi masasakatan diba? Makita mong sobra ng nasasaktan ang magulang mo pero wala kang magawa. Wala kang magawa kasi ayaw niyang magpatulong sa'yo.
People are there. They're willing to help...but only if you're willing to help yourself.
At iyon ang maging dahilan ng pagkamatay nya, nagkasakit sya dahil roon at namatay. Nagluksa ako. Hindi ko matanggap kasi bakit iniwan nila ako parehas. Masiyadong masakit para sa akin.
Mabuti na lamang at mabait si Auntie dahil kinupkop nya ako at tinuring na kapamilya talaga, at masaya ako doon.
Nakarating ako sa classroom ng walang nakakapansin sakin, oo. Wala. Kung iniisip nyo na mayroong magpra-prank sakin? Nagkakamali kayo. I'm not the nerd you used to know in others. Hindi ako kagaya ng mga nerds na binubully, inaaway o pinagtri-tripan. Oo nga't nerd ako, may malaking eyeglasses, wear clothes like 'manang' at maraming librong hawak palagi. Invisible lang ako. Parang walang nakakakita. At okay na ako doon.
Matalino ako kaya lagi akong top 1 at nakakuha ako ng scholar ship. Nagsisipag talaga ako para makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho. Gusto kong makatulong kala Auntie. Ayokong sa pagkagraduate ko ay wala akong marating sa buhay at maging tambay lang. Gusto kong matupaf ang mga pangarap ko.
Natapos ang buong klase sa maghapon at nag-uwian na. Hindi naman na ako namamasahe pauwi at papunta dahil kaya namang lakadin ang bahay namin dahil malapit lang ito sa Ford University.
Pero bago pa man ako tuluyang makauwi sa bahay namin ay may napansin akong bagay na kung anong nakadikit sa bag ko. Napansin ko sa side mirror ng tricycle na dumaan.
Ano 'to?
Tinanggal ko ito sa pagkakadikit at tinignan ang nakasulat.
"Be ready tommorow. Prepare yourself. :* *wink*"
Yan yung nakasulat. Sino 'to? Sino 'yung nagdikit?
Nangunot na lamang ang aking noo at itinapon ito sa basurahan. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makauwi ng bahay.
"Hi po Tita! Tito!" Bati ko kila Tita at Tito ng makauwi ako at nagmano sa kanila. Mabait sila sa akin at talagang tinuring na nila akong sariling anak.
"Mukhang masaya ka ata ngayon, Yami? Ano bang balita?" Tanong ni Tita na nasa kusina na ngayon.
"Naka-perfect po kasi ako sa test." Saad ko habang nakangiti.
"Lagi ka namang perfect sa mga exams, Insan eh." Napalingon ako kay Jamie na bagong dating. Siya ang pinsan ko. Maganda din siya kagaya ko. Char.
"Hindi naman." Saad ko.
Umupo siya at kumuha ng tinapay. "Asus. Trulala naman, Insan! Tiyaka, ang gorgeous mo kaya! Sayang ang beauty mo kung palagi mong tinatakpan!" Sabi niya sabay kagat sa tinapay.
"Tama naman si Jamie, Yami. Huwag ka na kasing magsuot ng salamin at ayusin mo na ang pananamit mo. Kung ayaw mong gamitin ang ganda mo, ipasa mo na lang diyan sa pinsan mong hindi ko mawari kung kanino nagmana ng mukha." Sabi ni Tita na natatawa.
Napatawa naman ako dahil doon. Ang saya talaga nila kasama. Hindi ako nagsisisi na sila ang naging kamag-anak ko. Napakababait nila para sa isang kagaya ko.
"Si nanay! Sino ba ina ko?" Sabi ni Jamie.
Nagkwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang sa sabay sabay na kaming kumain at nakatulog.
Bago ako matulog ay naaalala ko iyong nakita kong sulat kanina. Bakit parang naba-bother ako? What's wrong?