PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi "Alam ko, nakita ko rin ito dati pa. Ang lahat sariwa pa sa aking ala-ala, ito ang babalang madalas kong nakikita." ang sigaw ni Ibarra at doon ay unti unting pumaikot sa aming paligid ang mga katawan ng punong kahoy. Sinubukan naming tumakbo ngunit naka kulong kami sa loob nito na parang mga manok na itutuhog at bukod pa roon ay naka gapos ng gintong lupa ang aming mga binti upang hindi kami makagalaw. Pilit na inalis ni Ibarra ang pag