Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 39: Ang Tanging Pamana Matapos ang pag misyon ng pag salba kina Mama at sa ibang pang binihag ng mga rebeldeng engkanto ay bumalik sa normal ang takbo n gaming buhay. Ang lahat ay walang maalala maliban sa wirdong panaginip nina mama at manang Bering na sila ay dinakip ng mga masasamang tao at dinala kung saang lugar na may malamig na klima. Ang ipinag tataka nila ay pareho ang kanilang panaginip na parang mag kasabay itong naganap. Araw ng Linggo, nag tungo kami ni Ibarra sa kakahuyan para manguha ng halamang gamot. Bago umuwi ay nag pasya naman kaming dumaan sa kanyang dampa upang kumuha ng mga halamang palaspas na dadalhin namin sa nayon ng Ipil ipil. Tuwing ikalawang buwan kasi ay dumadalaw kami doon upang tulungan ang mga may sakit o may