Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 27: Apat na Santong Engkanto “Importante ang oras kay lolo, kapag nakatulog siya ay bukas na ang gising noon ay hindi na natin siya mapa kikinabangan pa.!" ang hirit ni Sam sabay kumpas ng kamay at doon ay lumabas ang isang pinto na gawa sa pilak. "Tayo na. Pag pasok sa pintuang ito ay nandoon na tayo agad sa kabilang bundok." dagdag nito. "Ayos ahh, parang si Doraemon lang." biro ko. "Actually sa kanya ko natutunan ang ganitong uri ng lagusan. Kaya heto gumawa rin ako ng sa akin, mas mainam naman ito kaysa hatiin natin ang katawan natin para lang lumipad at mas tipid ito sa enerhiya. Tayo na.." ang natatawang tugon niya sabay pasok sa pintuan. Pag lusot namin sa pintuan ay bumulaga agad sa aking harapan ang berdeng kakahuyan kung saan ma