Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 32: Ang Pulang Pista Puno na yung mga panuluyan, wala tayong tutulugan ngayong gabi." ang wika ni Sam sabay salampak sa damuhan. Mas nanunuot ang lamig sa aming katawan noong gumabi. Nakakadagdag pa sa aming kilabot ang kulay pulang buwan na wari'y parating lumuluha ng dugo. Wala nang makikitang tao sa buong baryo ang lahat ay naka kulong na sa kani kanilang tahanan. "Sana all may bahay!" ang sagot ko sabay higa sa malamig na damuhan. Sumasagi sa aking isipan kung anong ginagawa ni Tob ngayong mga oras na ito. Ang aking pag hinga ay may usok, nag hahalo ang init nito sa lamig ng paligid. "Bahay ba? Bakit di kayo nag sasalita, ang dali dali nito e." ang wika nito sabay kembot at kumanta. "My power flurries through the air into the ground. My soul is sp