Ang Sumpa Ni Ibarra AiTenshi Aug 25, 2020 Part 21: Natatanging Pagtingin Lumipas ang mga ordinaryong araw sa aking buhay, wala namang pag babago dito maliban sa pag tatag ng samahan namin ni Ibarra na siyang nag bibigay ng ibayong saya sa aking pag katao. Sa kanya ko nahanap ang pag kukulang na namamayani sa aking kalooban mag buhat noong ako ay masaktan dulot ng pag mamahal. Siya ang aking naging katuwang sa pag aalaga at pag protekta sa aking anak na si Tob at bukod pa roon ay siya rin ang pinag kakautangan ko ng aking buhay. Ang kanyang sakripisyo para sa aming mag ama ay hinding hindi mapapantayan. Ang pag tanggap ko ay Ibarra ng buong buo ay ang pinaka mahalaga at pinaka tamang bagay na ginawa ko sa aking buhay kaya naman labis labis ang aking pasasalamat. Isang araw, habang papa