“AYOS ka lang ba, hija?” tanong ni Manang Tesla para mapakurap-kurap siya at mapatuwid sa kinauupuan. “Sa totoo lang po ay nag-aalala po ako kay Ayden,” pagbibigay-alam niya at naramdaman niya ang pag-upo ni Manang Tesla sa tabi niya. “Simula po kasi nang mabulag ako, nagbago na po ang pakikitungo niya sa akin. Parang... parang hindi ko na po maramdaman ang pagmamahal ni Ayden sa akin, Manang.” Napabuntong-hininga si Manang Tesla at niyakap siya mula sa likod. “Huwag ka magsalita ng ganyan, Patrice. Mali ang inaakala mo. Abala lang sa trabaho si Ayden.” “Kahit gaano kaabala na tao si Ayden, hindi niya po ipinagkakait ang pagmamahal niya sa akin... sa amin ni Aiden,” giit ni Patrice at hindi na napigilan ang pagiging emosyonal. “Palagi siyang humahanap ng paraan para bumawi sa amin. Pero