Shynelle "Daddy... I want him in my arms, Daddy." Napangiti ako sa tinuran ni Sunnie sa ama niya. Naririto na kami ngayon sa master's bedroom, sa second floor. Dumating na rin kanina sila Mama at Doktora Miranda. May kasama itong tatlong assistant. Naayos na rin nila ang kalagayan namin ni baby Cloudy, at ngayon nga ay malinis na ito. May suot na itong 4-8 onesies, at buhat siya ngayon ng daddy naming kanina pa nakangiti. Kakaalis lang din ngayon nila Doktora. Tuwang-tuwa siya kanina kay Chase dahil sa mahusay nitong pagpapaanak sa akin kanina sa sofa sa living room. Ilang ulit niya kaming binati. Kung kaya daw mang-anak ni Chase ng babae, ay kaya din daw nitong magpaanak. Kitang-kita din naman kay Chase ang pagiging proud niya sa sarili niya. Naikwento pa niya sa amin kanina ang tung