THIRD PERSON POV PAGKARATING sa bahay ni Mr. Julius Estoeste ay kaagad na dumiretso si Gretchen sa loob ng silid niya at doon nagkulong. Si Patrick naman ay humingi muna ng packing tape mula kay Manang Flora bago umakyat sa rooftop. May pagtataka naman sa anyo ng matanda. Pagdating sa rooftop ay muling binuksan ni Patrick ang video nila ni Gretchen sa phone niya kung saan sa mismong lugar na 'yon niya inangkin ang dalaga noong gabing 'yon. Hinanap niya rin ang lugar kung saan maaaring inilagay ang spy camera. Ang kuha ng video ay tila nagmumula sa bahagi ng pinto at bintana. Pinagmasdan niya ito ng mabuti. Umikot ang mga mata niya sa kabuuan ng pinto. Yari ito sa magandang klase ng kahoy. Pero wala siyang makitang pwedeng pagsabitan ng camera dito. Lumipat naman siya sa salaming binta