"Great." Napatango-tango ako nang mahawakan ko na ang list of schedules ni Charm na ibinigay ng isa sa mga bodyguard kong si Kuya Bert. Nakapaloob din dito ang mga contact number niya na lahat ay bago na rin. I sighed deeply. Bakit pakiramdam ko ay sinadya niya ito para iwasan na ako. Para layuan na ako at kalimutan. "May ipag-uutos pa po ba kayo?" I looked at Kuya Bert. "How did you get these?" "Si Eleanor pa rin po ang P.A niya hanggang ngayon. Sa kanya ko ang mga yan nakuha." Napatango-tango naman ako. "Thank you, Kuya Bert. You did a great job. For now, heto na muna. Pag-aaralan ko muna ito. Then, bukas or mamayang hapon, baka lalabas tayo. I'll check his schedules first." "Noted, Ms. Jill." Yumuko naman siya sa harapan ko bago tumalikod at lumabas ng front door. Kasalukuyan ako