Jill Amber ALAS ONSE na ng hatinggabi pero pakiramdam ko ay hindi pa rin dumarating si Charm. Ang paalam niya sa akin ay sandali lamang siya do'n at kakausapin niya lamang si Greta. Pero lintik siya! Napakasinungaling niya talaga! Baka kung ano nang ginagawa nila ngayon ng Greta na yon! Napabuntong-hininga ako ng malalim dahil sa matinding inis na nararamdaman ko na naman sa mga oras na ito. Hindi rin ako makatulog nang dahil sa kanya! Minabuti ko na munang bumangon. Maingat akong umalis sa gitna ng mga anak ko. Dito silang muli natulog sa silid ko at kanina ay kinwentuhan ko silang muli ng ibang imbentong istorya. Kanina ay tumambay kami ng matagal sa mga lolo at lola niya. Nakapagkwentuhan kami ng matagal ni Ate Alwena na naroroon din kanina. My kids had a great time playing with he