NAKARATING KAMI sa tapat ng isang expensive bar na alam kong pag-aari ng mga Delavega dito sa Makati. Ngunit parang wala akong nakikitang tao sa labas. Dalawang sasakyan lang din ang nakaparada sa parking lot. Naka-off din ang ilaw ng signage nito, na para bang sarado at walang tao sa loob. "Itsi-check ko muna, Ms. Jill, bago po kayo bumaba," ani Kuya Bert sa akin. "Okay." Binuksan na rin niya ang pinto sa tabi niya at lumabas. Tinungo niya ang bar na 'yon. Ito ang ibinigay sa akin na address ni Eleanor kaninang umaga. Nagtaka pa nga ako kung bakit sa bar kami magkikita ni Charm. Bagama't, ilang beses na rin kaming nakapag-bar noong boyfriend ko pa siya, pero hindi sa bar na ito. Kuya Bert rapped on the bar's door and soon it creaked open. Although there was someone inside, there wa