KINAHAPUNAN ay nagtungo kami ni Gretchen sa bahay ni Dad sa Las Pinas. Ito na ang umpisa nang pagpasok niya sa mundo ni Dad, kahit wala na ang aming ama. And of course, hindi nagpaiwan si Charm. Kasama din namin ang aming mga anak at para na rin makilala ni Manang Flora. Ipinasundo ko na rin sila Mama sa kanilang bahay sa Quezon City upang malaman na rin niya ang lahat ng mga sikretong itinatago ko. Pagdating namin doon ay kaagad na niyakap ni Manang Flora si Gretchen. Kitang-kita ko ang saya sa anyo niya nang makaharap na niya ang kapatid ko. Siya ang nagpakilala sa kanya sa aming ama. Sinamahan naming malibot ni Gretchen ang buong mansion at makita ang lahat ng mga bagay na may kaugnayan kay Dad, pati na rin ang photo album namin na naroroon ang mga larawan ni Dad noong siya ay bata p