THIRD PERSON POV HAPON nang magtungo sa mall sila Jill at ang ina nitong si Adeline, kasama ang dalawang bodyguard at ang kaibigan ni Jill na si Patrick. Muling ikinubli ni Jill ang sarili niya sa suot na makapal na jacket, sumbrero at sunglasses. Bagaman, nakilala pa rin siya ng ibang customer at mga empleyado sa loob ng mall. Karamihan sa kanila ay nagpakuha ng pictures kasama siya at may ilan naman na kinukunan siya ng mga video. Isa rin sa mga kumukuha ng mga larawan at video niya ngayon ay ang lalaking palihim ding sumusunod sa kanya noong siya ay nasa US pa. Nanatili namang nakaalalay sa tabi ni Jill ang kaibigan niyang si Patrick habang itinutulak naman ng boydguard nilang si Bert ang isang malaking shopping cart na ngayon ay marami nang laman. Namili sila ng mga mamahaling mga