Chase As I entered our hotel room, Mama Nelia peacefully dozed on the couch while my fiancée and daughter were asleep in the bed. It was four in the morning, and I had just returned home. I went straight to the bathroom and took off all my clothes. Naisipan ko na ring maligo dahil naghalo-halo na ang amoy ko sa mga oras na ito. Napakalansa pa ng mga kamay ko dahil sa mga dugong bumahid sa mga ito mula sa hayop na Al na 'yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa sarili ko. Pakiramdam ko ay nag-ibang tao ako kanina kaya nagawa ko ang bagay na 'yon. Nakapatay ako nang dahil sa matinding galit na naramdaman ko, lalo na sa tuwing naiisip ko na kamuntik nang mapahamak ang mag-ina ko nang dahil sa Al na 'yon. Pero ngayon ay maluwag na ang pakiramdam ko. Hindi ako natatakot kung