SUOT ang hoodie, lumabas si Kara ng kaniyang unit. Ni hindi nagawang luminga ni Kara ng mga sandaling iyon kahit wala namang tao. Lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa makababa siya ng building. "Kara, saan ka pupunta?" Mula sa likuran, narinig ni Kara ang pamilyar na boses na iyon. Bumuga siya ng hangin sa bibig at hinarap ito. Walang emosyong naglakad si Kara palapit sa lalaking may malaking kunot sa noo. "Uuwi ako sa amin, Cole," malumanay niyang sagot dito. "Dahil ba roon? I-I watched the video on internet." Umiling si Kara. "No, hindi iyan ang rason ko kaya uuwi ako sa amin. Debut kasi ng nakababata kong kapatid sa Huwebes." "Kara, you don't need to be scared. Hayaan mo na lang ang babaeng iyon. " She smiled fakely. "You're right, Cole. But now, kailangan ko munang umiwas sa