Bella's POV "I don't like you for my kuya." Natigilan ako sa sinabi ng kapatid ni Damian. How should I react? Hindi naman ako pwedeng magalit sa kanya dahil hindi niya ako gusto para sa Kuya niya. Kung ako ang nasa posisyon niya, base sa estado nila sa buhay at sa ugali niya, baka ay ganoon din ang magiging reaksyon ko. Hindi ko pa naman siya lubusang kilala pero base sa nakita ko nang gabing 'yon sa restaurant, may pagkaprangka ito at palaban. Hindi ko man lang ito nakitaan ng kahinaan. Kahit si Francine ay nakita kong natakot ito kapatid ni Damian. She's staring at me seriously. I bit my lower lip. Wala naman akong magagawa kung ayaw niya sa akin. Hindi rin naman niya ako kilala, or baka napa-imbistigahan na ako nito. "N-naiintindihan ko." Mahinang sabi ko. Tipid akong ngumiti sa k