Continuation... Bella's POV "Mr. Montalvo, ex-girlfriend mo si Ms. Reyes, tama ba?" Pagtatanong ni Atty. De Vera. "Tama po, Attorney." Sagot nito. "Totoo bang pinapahiram mo ng pera ang Tiyahin niyang si Mrs. Eliza Reyes nang magkarelasyon pa kayo?" "Yes, Attorney." "Ito ba ay kusa mong binibigay o ang Tiyahin niya mismo ang nanghihiram sa 'yo?" "Nang una po ay kusa po akong nagbigay dahil binayaran ko ang nahiram ni Mrs. Reyes sa sugalan na Twenty Thousand hanggang sa ang Tiyahin niya na mismo ang nanghihiram sa akin at lumaki na ito." Sagot ni Adrian. "Bakit mo pinapahiram ang Tiyahin ni Ms. Reyes?" "Because Ms. Reyes is my girlfriend. I love her and gusto ko ring magpa-impress sa pamilya niya." Confident na sagot nito. Kumunot ang noo ko sa sinagot niya. Mahal niya ako? Nagpap

