Bella's POV Kumakain kami ni Damian ng lunch nang may tumawag sa kanya. "What?" Napatingin ako sa kanya nang biglang tumaas ang boses niya. Nakakunot ang noo nito habang may kausap sa phone niya. "Book me a flight tonight." Inis na utos nito. Aalis siya? Mukhang importante ito dahil nagpabook kaagad siya ng flight niya ngayong gabi. "The 6:30 p.m." Anito at binaba na ang tawag. Napatingin siya sa akin. "Muffin, kailangan kong umalis mamaya. May aayusin lang ako sa isang branch ng kompanya sa Visayas." Turan nito. Tumango ako sa kanya, "kailangan mo ba ng tulong sa pag-eempake?" Tanong ko sa kanya. "Hindi na," sagot nito sa akin, "will you be okay here alone?" Tanong nito sa akin. "Oo naman. Kaya ko na ritong mag-isa." Sagot ko sa kanya, "kailan ka babalik?" "I don't know yet. M