Bella's POV Nang makapasok kami sa kotse ni Damian ay nakita kong nasa loob si Azrael. Siya ang driver ngayon ni Damian. Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Good afternoon, Miss Bella." Bati nito sa akin. "Good afternoon, Azrael." Ani ko. "Drive us home." Utos ni Damian na sinunod naman ni Azrael. Nasa tabi ko lang si Damian nakaupo. Nakapikit ang mga mata nito. Ang braso naman niya ay nasa bewang ko nakapalibot. Nagpumilit ako kay Damian na dalhin na lang namin ang dalawang bag na dala ko. Hindi ko naman nilabas sa bag ko ang mga gamit ko kaya hindi na ako matatagalan para mag-empake. Walang nagawa si Damian kaya dinala na namin ang dala kong dalawang malalaking bag. Gusto niya kase sana ay ipakuha na lang sa mga tauhan niya iyon pero nagpumilit akong dalhin na lang namin para hindi