Bella's POV Umuwi na kahapon ang parents ni Damian. Siya mismo ang sumundo sa parents niya sa airport kahapon. Mamayang gabi ay magdidinner kami kasama ang parents niya at inaasahan daw akong ma meet ng parents niya mamaya. I asked Damian kung ano ang pangalan ng restaurant at ni search ito online. Hindi na ako nagulat na isa itong mamahaling restaurant, kaya ngayon ay namomroblema ako kung ano ang susuotin ko mamayang gabi. "You're still beautiful kahit ano ang suotin mo." Ani Damian. "Gusto ko lang maging presentable at bumagay sa lugar na pupuntahan natin." Wika ko. Sinabihan ko kase siya na samahan niya akong bumili sa mall ng dress na susuotin ko mamaya. Hindi naman ako bibili ng mamahalin. Gusto ko lang maghanap doon ng magandang dress na masusuot mamaya. "I'm busy later, Muff