Chapter 47 [ AERIKA's POV ] Nasaan ako? Bakit wala akong makitang iba kundi puro liwanag lamang? Ang huli ko lang na natatandaan ay ang....argh. Napahawak ako sa aking ulo ng bigla itong sumakit at unti-unti kong naalala ang mga nangyare. Pupunta sana kami sa Enchanted Kingdom para malaman yung sakit na kumakalat roon pero....hinarang kami ni Eureka. Ang kakambal ko at kinalaban kami...ako. Patay na ba ako? Natalo nya ba ako? Pero, ang alam ko eh nawala sya diba? At tinulungan ako ng mga dating elemental holders? Kasama roon si Goddess Paera na syang unang tumulong sa akin. Fire Goddess. Muli kong nilibot ang aking tingin sa paligid. Parang wala itong katapusan kahit tumakbo ako ng tumakbo dahil paulit-ulit lang ang mga nakikita ko. "Ayy!" Napatili ako bigla ng biglang may malalaka