Aerika's POV NANDIDITO ako ngayon sa magic circle. Isang tagong lugar na tanging mga royalties lamang ang nakakaalam. Nalaman ko na kanina matapos kong magising na isang itim na salamangka pala ang ginamit ni Eureka para magkaroon ng ganoong uri ng sakit sa buong Enchanted Kingdom at ako lang ang makakapagpawala noon. Sinabi ko na kaya ko na ang aking sarili at susubukan ko ng tanggalin ang itim na salamangka. Wala na kaming oras. Kailangan na naming magsanay at maghanda. Isang linggo na lang. Sinabi ko narin sa kanila iyon kaya ngayon ay ako lang dito mag-isa dahil nagpunta sila sa kani-kanila nilang palasyo para sabihin sa mga mamamayan roon na kailangan ng maghanda. Kailangan ko ring maging mapag-isa rito para magawa ko ng maayos ang enkantasyon. Pumikit ako at nagconcentrate. "