Chapter 36 Aerika's POV "Woooh!" Sabay sabay na sabi namin. Ngumisi lang naman silang dalawa at umupo sa kabilang sofa. "Kayo na ba? Sabi na nga ba eh! Haha." Tumatawang sabi ni Harry. Nginisihan sya ni Kenneth at tumango. "Ikaw insan ha! Di ka nagsasabi!" Sabi naman ni Jack na natatawa rin. Nakakabigla. Sila na? Bat parang napakabilis naman? Nung nakaraan lang ayy. Argh. Nevermind na nga lang. Baka magmukha pa akong bitter eh kami na ni Keith. "Naman. Secret lang kasi. Haha. Nagseselos na nga ako dati kay Ae eh, paano kasi, sya yung ginawang daan natin para mapaamin si Keith ng wala sa oras. Haha." Ani Bianca at tinignan pa ako pagkuwan ay ngumisi. Bigla akong napalunok. At hindi ko maintindihan kung bakit. Bakit ganun? Parang may kung ano akong nararamdaman sa aking puso? Para