Chapter 67 Brando HINDI ako matahimik dito. Hindi ako sanay na hindi ako kinikibo ni Inah. She's mad. Pansin ko kaagad na nag-iba siya dahil madaldal siyang babae. Hindi siya nawawalan ng kwento. Mula pa kagabi ay hindi niya ako pinapansin. I sighed. Mali nga siguro na tumanggap ako ng babaeng Nurse. Dapat siguro ay bakla ang kinuha ko o ipinag-pullout ko na lang si Vito. Madali lang naman nga yun na gawin dahil ako ang may-ari ng clinic na pinapasukan nun. Wala naman sa isip ko ang maghanap ng babae pero hindi ko naman masisisi si Inah. Nakita niya lahat ng babae sa Mensahero ko at hindi lang yun sasampu. All of them were asking for another night with me. I should've been more sensitive about finding a caregiver for my mother. "Jacob…" tawag ko sa tauhan ko nang lumabas ako ng condo.

