Chapter 73 Inah NAKAHINGA ako nang maluwag nang sabihin ng duktor ni lola na maayos na iyon. Nagkamalay na raw at mild stroke ang dumapo. Her grandmother has to stay in the hospital for several days. Okay yun sa kanya para ma-monitor ang lola niya at mabigyan ng tamang mga gamot. "Thank you doctor. Does my lola need a private nurse?" "Tingin ko ay hindi naman. Maintenance ang iinumin ng lola mo since pang tatlong atake na pala ito. Other than that, wala na. Follow up checkup na lang at regular checkup." "Yes po, doc. Thank you so much." "You're welcome, iha." May kaunting kaluskos sa linya kaya alam kong si Tiyo Agaton na ang may hawak ng phone. "Narinig mo, Tiyo?" Masigla kong tanong dito. "Oo, maayos na si Inay. Salamat, Inah." "Kapag may reseta si lola picture mo lang po, Tiyo

