DALAWANG araw ang lumipas. Maalinsangan na naman ang simoy ng hangin, nakatutuyo ng lalamunan at balat. Kahit may lagnat ay patuloy pa rin ang pagsusulat ni Jack. Hindi naman siya pinapabayaan ni Alona. “Babe, gusto mo ba ng letchong usa? May pinadala rito ang lycan na si Rizor. Para raw ganahan kang magsulat,” sabi ni Alona, nakasilip ito sa pintuan. “Sige ba, lagyan mo ng lemonde sa sawsawan,” aniya. “Okay. Iyon na ang lunch natin, ha?” “Sure, ikaw ang bahala.” Hindi tumigil ang kamay niya sa pagsusulat kahit nangangalay na. Humihilab na rin ang kanyang sikmura. Malapit na ang tanghalian. Lalong uminit ang klima kaya tumaas din ang temparatura niya sa katawan. Nanghihina na naman siya. “Babe, tama na muna iyan!” mamaya ay tawag ni Alona. Tinapos lang niya ang isang kabanata. Pagku

