Chapter One

2233 Words
"THIS is your new assignment, Gab." Awtomatikong tumuon ang mga mata ni Gabriela sa brown envelope na inilapag ni Sireno sa harapan niya. Kinuha niya iyon at agad na binasa ang nilalaman. Nagtatrabaho siya sa Fire Steel Intelligence Agency bilang isang secret agent. Fire Steel Intelligence Agency is an organization that sought to catch the mafia. "His name is Jayden Grey Herrer at kilala siya bilang Midnight sa kaniyang trabaho noon sa military." Saglit na umangat ang tingin niya rito. "He used to be in the military, and he is one of the best military man in the army. Actually he was the captain," sabi nito habang binabasa rin niya ang inpormasyon tungkol kay Jayden Grey Herrer "Then what happen to him?" puno ng kuryosidad niyang tanong. "Nakuha siya ng terrorist kasama ng dalawa pa niyang kasamahan at ginawang hostage. Hindi namin sila nagawang mailigtas noon at halos isang taon silang hawak ng mga terorista kaya inakala namin na patay na sila. Nagulat na lang kami nang bumalik sila makalipas ang isang taon, kaya sumailalim sila noon sa mahigpit na inbistigasyon at napatunayan na hindi sila naging kasapi ng Ali Hatwa." Muling pinasadahan ni Gabriela ng tingin ang inpormasyong hawak niya patungkol kay Jayden, kuway ibinalik ang tingin sa boss niyang si Sireno. "Kung napatunayan na hindi siya naging kasapi ng Ali Hatwa, bakit siya ang ibinigay ninyong trabaho sa akin, para ano?" "May dumating na balita sa akin na kasapi ng isang mafia organization si Jayden, kaya gustong malaman ng FSIA kung totoo ba ang balitang iyon o haka-haka lang." "Pero bakit mo sa akin pinahawak ang kaso kay Jayden? I'm sure mas marami pang higit na magaling kaysa sa'kin." "Sa'yo ko ibinigay ang misyon na ito dahil mayroon din sumusunod sa'yo, hindi ba? Kung hindi ka lang marunong makipaglaban tiyak nagawa ka na nilang patayin." Tama ito. Kailan lang muntikan na siyang maisakay sa puting van, kung hindi lang talaga siya marunong protektahan ang sarili niya ay tiyak pinaglalamayan na siya ngayon. Nagbuntong-hininga ito. "Malaki ang tiwala ko kay Jayden na hindi niya magagawang sumali sa ganu'ng organisasyon dahil minsan ko na siyang nakasama sa trabaho. I was his major and he was my captain, I know what he's capable of. But I have to do this as FSIA's boss." Muli itong nagbuntong-hininga. "Gagamitin ko ang pinagsamahan namin para madali mong masusubaybayan ang bawat kilos niya, para patunayan na hindi siya kasapi sa grupong iyon." "Sa anong paraan?" "Kukunin ko ang serbisyo niya bilang personal bodyguard mo." Nanlalaki ang mga mata ni Gabriela at mabilis siyang umiling. "No, hindi mo gagamitin 'yon para sa trabahong ito." "Gabriela..." "No. Boss, alam ninyo kung bakit pilit akong tumatakas, at alam ninyo rin kung bakit mas pinili kong magtrabaho sa organisasyong ito, para mapalayo sa ama ko." "I know Gab. Kilala ng lahat ang ama mo, kaya ikaw lang ang tanging nakikita kong paraan para mapaniwala natin si Jayden para sa misyong 'to." Isang kilalang businessman at mayaman ang kaniyang ama, kaya hindi imposibleng kilala ito ni Jayden. Gusto pa sana magprotesta ni Gabriela sa naisip na plano ng kaniyang boss pero naisip din niya ang mga nagawa nitong tulong sa kaniya noon kaya hindi na niya nagawa pang muling magprotesta. May tiwala naman siya rito na hindi siya nito ilalagay sa kapahamakan. "Is that okay with you, Gabriela?" maya'y tanong nito. Nagbuga siya ng hangin. "I trust you, Boss." "Thank you." "Kailan ako mag-sisimula?" Sasagot pa sana ito nang kumatok ang secretary nito. "Boss, Midnight is here." Nanlaki ang mga mata niyang tumingin kay Sireno. Huwag nitong sabihin na ngayon mismo magsisimula ang misyon niya? "Speaking," nakangiti nitong sabi sa kaniya. "Boss..." Tumaas ang kamay nito bilang pagpigil sa iba pa niyang sasabihin. "Act like a daughter of a wealthy businessman, Gabriela." "Pero—," "Let him in, Greg." Utos nito sa sekretarya nito na nagpahinto sa gusto niyang sabihin. Mariin siyang napapikit. Gusto niyang mainis dahil hindi man lang siya pinaghanda nito para sa misyong ibinigay nito sa kaniya. "Gusto mo raw ako makausap?" Napadilat ng mata si Gabriela pagkarinig sa malalim pero malalim na boses ni Jayden. There is something in his voice telling you that he's not a just a simple person. Naramdaman ni Gabriela mula sa kaniyang likuran ang malagkit nitong tingin. She can feel it. "By the way... Midnight, I want you to meet Gabriela Grecio," pagpapakilala ng boss niya sa kaniya sa lalaki. Wala siyang nagawa kundi ang tumayo at humarap kay Jayden Grey Herrer. Natigilan siya nang magtagpo ang mga mata nila ng lalaki. Jayden's eyes were dark as night. Hindi niya alam kung bakit siya natitigilan ng ganito. Ang height niyang 5'7 ay nanliliit sa height nito. Hindi niya makita ng buo ang mukha nito dahil may suot itong itim na face mask. Sa huli, si Jayden ang unang umiwas ng tingin sa kaniya. "It's nice to meet you, Midnight." Inilahad niya ang kamay sa harapan nito para makipagkamay. "Who is she?" walang emosyong tanong ni Jayden sa boss niya at hindi tinanggap ang pakikipagkamay niya. Bahagyang humakbang palayo sa kaniya si Jayden na para bang hindi ito sanay na may hindi kilalang tao sa paligid. "Okay, I get it," sabi ni Sireno kuway tiningnan siya nito. "Gabriela, can you leave us for a moment?" "Sure. No problem." Nagtataka man ay humakbang siya palabas ng opisina nito. "I'M SORRY for that," sabi ni Sireno pagkalabas ng hindi kilalang babae. Hinubad niya ang suot na face mask. "You know I don't trust people, lalo pa't hindi ko kilala." "I know. Maupo ka muna." Nakita niyang kinuha ni Sireno ang isang brown envelope at itinago iyon sa drawer nito at pagkatapos ay may inilabas na panibago at inilapag iyon sa harapan niya. "I called you because I wanted to offer you a job," anito. Nangunot noo siya nang maupo siya sa harap ng lamesa nito. "A job? Alam mong hindi na ako tumatanggap ng trabaho." "Hindi magiging mahirap para sa'yo ang trabahong ito, Midnight." Nangunot ang kaniyang noo. "What job?" "To become Gabriela Grecio's personal bodyguard." "What? No, no, no." Mabilis siyang umiling. "Bakit kailangan niya ng personal bodyguard? Sa tingin ko naman kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya at alam kong marami kang tauhan na magagaling na pwedeng ibigay sa kaniya bilang personal niyang bodyguard." Pinagsalikop nito ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. "Lahat ng tauhan ko ay abala sa kanikanilang mga sariling misyon." Nagbuntong-hininga ito. "Gabriela is my goddaughter kaya ayoko siyang ipagkatiwala sa iba." "At sa akin may tiwala ka?" "Minsan na tayong nagkasama sa trabaho, Midnight, kaya alam kong mapagkakatiwalaan kita." Pagkatapos ng nangyari limang taon, ngayon lang ulit narinig ni Jayden ang salitang 'pinagkakatiwalaan siya'. Matagal niyang nakasama sa trabaho si Sireno at ito lang ang bukod tanging nagtanggol sa kaniya noong pinaghihinalaan siya ng marami. Kinuha niya ang envelope na satingin niya ay inpormasyon iyon ni Gabriela Grecio at walang ingay na binasa iyon. Gabriela Grecio is daughter of a wealthy businessman; Lion Grecio. She's 27 years old, a photographer... Basa niya mula sa kaniyang isipan. "Kamakailan lang muntikan ng malagay sa kapahamakan ang buhay ni Gabriela," sabi ni Sireno na ikinaangat niya ng tingin dito. "Sa anong dahilan?" Nagkibit ito ng balikat. "Mabait na bata si Gabriela, wala siyang kaaway at tanging pagkuha lang ng litrato ang libangan niya, kaya kahit man siya ay hindi alam kung bakit may taong gustong magtangka sa buhay niya. Pero isa lang ang nakikita kong dahilan. 'Yun ay dahil sa kaniyang ama. Balak kasing tumakbo ng ama niyang si Lion Grecio bilang mayor dito sa manila at ginagawa nilang panakot ang pagtangka sa buhay ni Gabriela para hindi na nito ituloy ang pagtakbo bilang mayor. "Sa yaman ni Lion Grecio, imposibleng hindi niya kayang protektahan ang sarili niyang anak. I'm sure he can hire a thousands of bodyguard for his only daughter." Nagbuntong-hininga si Sireno. "Gabriela already had a bodyguard noong pinagtangkaan ang buhay nito, pero may nakalusot pa rin." "That's not my problem, Sireno. Their lives is not my problem," mariin niyang sabi. "Lion Grecio offer you a million just to protect his only daughter, Jayden." Tumaas ang sulok ng labi niya. "I have mine too. I don't need their money." Tumayo na siya at nang akmang bubuksan ang pinto nang bigla iyong bumukas at iniluwa si Gabriela. Wala itong takot na tumitig sa mga mata niya. Ito ang unang pagkakataon na walang natakot na tumingin sa kaniya. "Wala akong pakialam kung ayaw mong tanggapin ang trabaho, Mr. Herre. Sa tingin ko marami pa namang iba dyan na higit na mas matapang kaysa sa'yo," nangunguyam nitong sabi. "Gabriela..." saway ni Sireno sa dalaga. "Totoo naman ang sinabi ko, Ninong. Mali ata ang sinabi mong dapat siyang pagkatiwalaan," sabi pa ni Gabriela habang nakatingin sa kaniyang mga mata na tila naghahamon. Lihim niyang nakuyom ang kamao. Ang ayaw niya sa lahat ay iyong minamaliit siya, lalo pa kung ang pinag-uusapan ay tungkol sa katapatan. "Gabriela!" muling saway ni Sireno sa inaanak nito. Tumaas ang sulok ng labi ni Jayden. "Ikaw na ang nangangailangan, ikaw pa ang matapang, Ms. Grecio?" "Kung ako lang ang masusunod, hindi ko kakailanganin ang serbisyo mo." Nagtagisan sila ng tingin at halatang hindi magpapatalo ang binatang kaharap niya ngayon. Sa buong buhay niya, maliban kay Sireno na kilala na siya ay walang sino man ang naglalakas ng loob na tumingin sa mga mata niya dahil sabi ng iba ang mga mata niya raw ay parang mata ng isang dimonyo, mapanganib. Pero parang hindi na niya gustong maniwala sa bagay na iyon dahil sa babaeng kaharap niya ngayon. Ang talim na tingin niya rito ay unti-onting lumalambot dahil may kung ano sa mga mata nito na biglang nagpatigil sa kaniya. Naramdaman niya ang bahagyang pag-init ng kaniyang katawan sa hindi maintindihan na dahilan. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito at naiiling na nayuko. "I don't care what you say, Ms. Grecio." Nilingon niya si Sireno. "Don't call me again about this matter," pagkasabi ni'yon ay humakbang na siya palabas sa opisina ni Sireno. PAGKALABAS ni Jayden ay nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. Hindi niya gustong sabihin ang mga nasabi, sadyang nainis lang siya habang naririnig ang mga sinabi nito kanina mula sa naka-awang na pinto. "I'm sorry, Boss," hinging paumanhin niya kay Sireno. "Tuloy pa ba ang plano? O gagawa ako ng ibang paraan para subaybayan siya?" aniya ng lumapat pasara ang pinto. Bumalik si Sireno sa pagkakaupo sa swivel chair nito. "Nagkakamali ka kung inaakala mong masusubaybayan mo si Jayden ng ganu'ng kadali. Hindi basta-basta ang taong 'yon." Aminin man ni Gabriela o hindi, nakaramdam siya ng kakaibang takot kanina habang tinititigan siya ni Jayden kanina. Parang inaarok nito ang buo niyang pagkatao. "Tuloy ang planong 'yon," maya'y sabi nito. "Pero siya na rin ang nagsabi na hindi siya interisado." Tumaas ang sulok ng labi nito. "Tulad ng sinabi ko, kilala ko si Jayden. Wala siyang trabahong tinatanggihan. Nasanay siya na ginagawa ang lahat ng trabahong inaalok sa kaniya. Sigurado ako sa mga sandaling ito ay inaalam na niya ang pagkatao mo." Nangunot ang noo niya. "Paano niya gagawin iyon?" "Jayden has his own way, para malaman ang mga bagay-bagay na gusto niyang malaman." "Are you sure?" kinakabahan pa ring tanong niya. "Just trust me, Gab." Nagbuga siya ng hangin. "I trust you, Boss," buong tiwala niyang sabi. "Gawin mo kung ano ang ginagawa mo noon. Gumastos ng pera, gumala or mag liwaliw ka kasama ng mga kaibigan mo." Naguguluhang tinitigan niya ito. "Ganu'n lang? Paano ang trabaho ko, Boss?" "Ikonsidera mo munang bakasyon mo ngayon. Magliwaliw ka muna hanggat gusto mo." Naguguluhan man ay tumango na lang si Gabriela. Pagkatapos nilang mag-usap ay nagpaalam na rin siya para umuwi. Sakay ng Ducati ay binagtas niya ang daan pauwi sa bahay ng kaniyang ina na ilang taon na niyang hindi nauuwian. Pagdating doon ay nagulat pa ang kaniyang Yaya Sonaida nang mapagbuksan siya ng tarangkahan. "Ikaw nga ba iyan, Gabriela?" mangiyak-ngiyak nitong tanong. Imbis na sagutin ito ay mahigpit niya itong niyakap. "Long time no see, Yaya." Mula nang nagkaisip siya ay ito na ang nag-aalaga sa kaniya at dahil lumaki siyang walang ina ay ito na ang tumayong nanay niya. Ang bahay na ito ay ipinamana raw sa kaniya ng kaniyang ina bago ito pawian ng buhay dahil sa panganganak sa kaniya. Nagpasya siya ritong tumira dahil ilang beses siyang pinagtangkaang pagsamantalahan ng kaniyang ama sa tuwing lasing ito at buti na kang nasaksihan iyon ni Yaya Sonaida kaya walang nagawa ang ama niya kundi ang pumayag sa gusto niyang dito tumira. Noong panahong din iyon niya nakilala si Sireno, iniligtas siya nito mula sa kidnapper nang masaksihan nito ang sapilitang pagsakay sa kaniya sa puting van. Nang malaman niyang isa itong dating sundalo ay nagpaturo siya rito ng self defense hanggang sa alukin siya nito na magtrabaho bilang secret agent sa Fire Steel Intelligence Agency. "Masaya akong umuwi ka na rito, Hija," anito nang pakawalan siya nito mula sa pagkakayakap. Ngiti lang ang isinagot niya rito at inakay na ito papasok sa loob ng bahay. "Miss ko na po ang luto ninyo, Yaya." "Sige ipagluluto kita ng paborito mong ulam. Teka, sinigang pa rin ba ang paborito mong ulam?" "Kahit ano naman po, basta luto ninyo paborito ko." "Naku kang bata ka, bolera ka pa rin hanggang ngayon." Tawa lang ang tanging sinagot niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD