YES, it's been six years at kaya pala nag-abroad pala siya. Bakit? Para matakasan ako? Hah! Akala ba niya ay hinabol ko siya, akala ba niya ay hinanap ko siya? Kahit na alam ko na baka nga isa siyang Fernandez, kahit minsan. . .hindi ko inisip na hanapin siya sa kanyang angkan. It's useless. A-Ayokong magmukhang tanga kapag ikinaila niya. Damn that man! Bakit ba ako naniwala sa kanya? Imagine, si Alexandra Hedalgo pala ang girlfriend niya! Hah! Ang laki kong tanga! Tanga! Tanga! Pero magalit man siya sa kanyang sarili, alam niyang wala pa rin patutunguhan. Kailangan na naman niyang hamigin ang sarili dahil sa muling pagkaalala sa kanyang pagkakamali. . . And that day she decided to have a break, kailangan niyang magbakasyon para makapag-isip. Nang araw ding iyon tinapos niya ang lahat ng