“Mom… daddy’s here,” sigaw ni James nang makita ang ama na papasok sa loob ng tahanan. Nasa kusina ng mga oras na iyon si Khrystelle at inaayos ang mga niluto nilang pagkain para sa asawa. “How’s my cute son?” tanong ni Nathan sa anak sabay gulo ng buhok nito. “I’m good daddy,” nakangiting tugon nito. “Welcome home, Babe,” bati naman ni Khrystelle sa asawa nang madatnan ang mag-am sa living. “Oh, Babe. I really miss you’ll,” wika ni Nathan sabay lapit sa asawa saka humalik. “We miss you too. How’s your flight?” “Okay naman, Babe. Kahit nga ilang oras lang iyon ay gusto ko na agad makarating dito sa bahay dahil miss na miss ko na kayo.” “O siya, alas siyete na ng gabi. Magbihis ka na muna para makapag-dinner na tayo. I know pagod at gutom ka na.” “Really? Nagluto ka?” masayang t