“Khrystelle!" Ngunit wala rin sa iba pang panig ng suite ang dalaga, wala rin sa pasilyo.
Damn! Bakit siya umalis? Ni hindi man lang nag-iwan ng contact number! Nakakainis! Ganoon na lang ba iyon? Pagkatapos kong maging maginoo sa kanya, ni hindi man lang niya ako binigyan ng chance na maipakilala ang tunay kong pagkatao?
Naiiling na lang na pilit na hinamig ni Nathaniel ang sarili, hindi niya alam kung bakit inis na inis siya at may isang bahagi ng kanyang pagkatao ang tila nahungkag.
Noon tumunog ang kanyang cell phone, pangalan ng kanyang kuya Daryl ang nakarehistro. "Hello? Kuya?" nagtatakang sinagot niya ito.
"Nathan, where are you now?"
"Here in Baguio kuya, why?"
"Anyway, kaya ako tumawag dahil, I have something important to discuss."
"Okay, what is it?"
"Not here! Pagbalik mo nalang siguro galing Baguio natin pag-uusapan."
"Okay, sige! pupuntahan nalang kita."
"Okay, Bye!"
"Bye!"
Nang maibaba niya ay may tumawag ulit. Sa pagkakataong iyon ay ang sekretarya niyang si Felly ang nasa kabilang linya. "Hello?"
"Good morning, Sir! Ire-remind ko lang po ang meeting ninyo with Mr. Go mamayang ala-una ng hapon."
"Ah, yes, of course, I won't forget that."
Pero nagsisinungaling siya, dahil saglit nga niyang nakalimutan ang dahilan kaya umakyat siya ng Baguio kahapon.
"Ah, okay, Sir. Isa pa ho, tawag nang tawag si Ma'am Daphine kahapon pa. Naka-off daw po ang cell phone ninyo at hindi naniniwalang hindi kayo nagpalit ng number."
"Forget about her."
"Eh, nagpunta rin ho kaninang umaga rito sa office, wala daw po kayo sa condo unit ninyo. Pilit akong tinatanong kung saan kayo nagpunta."
"Anong sinabi mo? Sinabi mo bang narito ako sa Baguio?"
"Naku, hindi ho. Sinabi ko na lang na baka natuloy kayo sa Hongkong."
"Good! Huwag na huwag mong sasabihing narito ako sa Baguio, ha? Baka kasi pagkatapos ng business meeting namin ni Mr. Go ay hindi pa ako bababa, riyan?"
"Ho?"
"At bahala ka na sa iba ko pang meeting, okay? I-reschedule mo na lang sa ibang araw, maybe next week or next-next week pa, basta bahala ka na, ha? Anyway, tatawagan ko si Kuya Eman, siya muna ang pakikiusapan kong mamahala riyan, ha?"
"Sige ho," wika na lang nito kahit tila biglang namroblema.
"Good, bye." Ini-off na ni Nathaniel ang cell phone. Saka na muna niya iisipin ang problema sa office, after his meeting with his Japanese investor. Hahanapin niya si Khrystelle, hindi siya makakapayag na hanggang doon lang ang pagkikilalang iyon.
Pagkatapos ay napagdesisyonan niyang bumalik sa bar kung saan sila nagkita ng dalaga.
"Sir, good evening!" nakangiting bati ng bartender na nagse-served sa kanila ni Khrystelle kagabi dahil nakilala siya nito.
"O, good evening! Give me one sanmig light," kaswal niyang tugon.
"Yes, Sir. Ah, kumusta ho yong chika babes na kasama ninyo kagabi?" maepal nitong tanong habang kumukuha ng sanmig light.
Natigilan si Nathaniel.
"Ah, okay lang. Bakit ka nagtatanong?" paasik niyang tanong dahil naiinis agad siya sa malisyosong ngiti nito.
"Ah, narito kasi sya kanina sa bar."
"Ha?" Sukat doon ay napapitlag yata ang puso ng binata. "Talaga? Nagtagal ba siya? I mean-“
"Narito pa yata sa loob, Sir." Inilapag na nito ang bote ng sanmig light. "Nakita kong gumawi sa ladies room."
"Sigurado kang siya iyon?"
"Oho! Sigurado akong siya iyon. Makakalimutam ko ba naman ang makulit na babaeng iyon pero ang ganda naman!"
"Talaga? Ah, sandali lang, ha? Heto’ng bayad ko, ilagay mo muna riyan ang order ko, pupuntahan ko lang sa loob, hahanapin ko!"
"Sige ho!" Napakamot na lang sa ulo at napailing ang waiter.
Habang si Nathaniel ay tinawid na ang dance floor at hilera ng mga mesa sa paligid ng disco-bar, palinga-linga, nagbabakasaling mahagip ng tingin ang pamilyar na anyo.
Khrystelle. . . please, magpakita ka sa akin. Nasaan ka ba?
Hanggang makarating siya sa makitid na pasilyong patungo sa restroom at fire exit.
"Ah, Miss may tao pa sa loob?" agad niyang tanong sa isang babaeng lumabas mula sa ladies room.
"Ay, wala na, Mr. Pogi!" malambing nitong wika na tila na-mesmerized sa kaguwapuhan niya. "Bakit? Sinong hinihintay mo?"
"Ah, iyong girlfriend ko."
"Wala na, baka iniwan ka na. Gusto mo, tayo na lang ang date sa gabing ito?"
"Ah, next time na lang. Baka nariyan pa siya, mayayari ako."
"Hmp! Choosy! Bahala ka na nga, ayaw mong maniwala na baka iniwan ka na, ha?” anito saka nakairap na humakbang palayo.
Napakamot na lang sa ulo si Nathan.
Nasaan na kaya siya? Baka nakalabas na ng bar at hindi napansin ng bartender. Bakit kaya siya nagpunta rito?
Laglag ang balikat na humakbang siya pabalik sa bar, mabigat ang dibdib at nanghihinayang.
“N–Nathaniel. . ."
"Ha?" napaangat ng mukha ang binata.
"Khrystelle. . ." tila may kamay na humaplos sa kanyang puso nang makita ang hinahanap… right in front of him.
"H–hi!" alanganin ang ngiting sambit ni Khrystelle.
"Khrystelle! Oh God! Akala ko'y hindi na kita makikita! God! I miss you, alam mo ba iyon, ha? "
At sa pagkabigla ng dalaga, inilang hakbang ni Nathaniel ang pagitan nila at mahigpit siyang niyakap.
"N–Nathaniel!" gulat na sabi niya pero hindi naman niya magawang manulak, dahil ang totoo, bigla niyang na-realize na nami-miss din niya ito kaya nga sa halip na magtago rito nang makita niyang pumasok sa bar na iyon, kusa siyang nagpakita sa binata.
"Khrystelle, bakit ka umalis ng walang paalam kaninang umaga?" tanong nito. Pagkuwa'y kusa rin naman itong kumalas at intense ang kislap ng mga matang tumitig sa kanya.
"Ah, n-nalilito kasi ako kaninang umaga, eh. K–kinukuwestiyon ko ang sarili ko kung bakit humantong ako sa makitulog sa tabi ng isang bagong kakilalang lalaki, at hindi ko rin matanggap na nakatulog ako sa kama ng iba dahil sa aking kalasingan. H–hindi naman ako patakbuhing babae at–“
"I know that, of course I know that! At huwag mong iisipin na mababa ang naging pagtingin ko sa iyo. Of course not! Alam ko naman na masyado ka lang na-upset dahil sa tangang Warren na iyon. Kaya nga kita binabantayan dahil ayokong mapahamak ka. Dahil alam ko na sa kalagayan ng utak mo kagabi, possible kang makakagawa ng mga delikadong bagay na maari mong pagsisihan kapag nahimasmasan ka na."
"Nathaniel. . ."
"May dala ka palang knapsack?"
"Ah, mga damit ko. Nag-check-out na kasi ako kanina sa tinutuluyan kong apartelle at plano ko sanang ngayong gabi bumalik sa lungsod. Ewan ko ba kung bakit naisipan kong pumasok dito sa bar."
"Ganoon ba? Halika nga!" anito. Pagkuwa'y walang paalam na hinawakan nito ang kamay niya at inakay siyang palabas ng bar.
“S-Saan tayo pupunta?" tanong ni Khrystelle habang pilit na hinihila ang kamay.
"Kahit saan, huwag lang dito.” Baling nito sa kanya. "Hindi ka kasi bagay sa lugar na ito. Siya nga pala, hindi pa ako nagdi-dinner, let's have late dinner, okay?
"Sige, hindi pa nga rin ako kumakain. . . ng lunch," aniya saka siya napayuko.
"Talaga? Oh God! Dapat talaga ay hindi ka na muna umalis sa suite ko kanina. Anyway, it's okay. Kumain tayo ng marami mamaya. Hindi rin ako gaanong nakakain kanina dahil sa kaiisip sa iyo. Nag-aalala talaga ako sa iyo. Baka kung ano ang gagawin mo."
Nang muli siyang akayin ng binata, tila maamong tupa na humakbang siya pasunod dito.
"Akala ko, umalis ka na rito sa Baguio." pabuntong-hiningang wika ni Nathaniel habang nakatitig kay Khrystelle habang kumakain sila. Sa restaurant ng hotel na tinutuluyan ng binata sila nag-dinner.
"Ah, balak ko sana. Pero nakita ko sina Warren at babaeng iyon sa terminal ng bus, pabalik na rin sila sa lungsod. Umatras na lang ako ipinasya kong huwag na lang munang bumalik sa lungsod. Anyway, para kasing hindi ko rin kayang makita siya sa lungsod. Baka masampal ko lang. Ilang block lang kasi ang layo ng inuuwian niyang bahay sa bahay namin."
"Talaga? Dapat nga talaga ay huwag ka na munang umuwi roon. Baka mamaya, kapag nagpunta siya sa bahay ninyo ay madali kang magpatawad kapag nagpaawa."
"That wouldn't happen. Kaya ko lang siya ayaw makita ay dahil baka masampal, o baka mas higit pa roon ang magawa ko."
"Paano ang kasal ninyo?"
"Wala ng kasalan, ano? Hah! Ayoko pakasal sa lalaking iyon!"
"Buti naman. Anyway, kain ka pa, o."
"Ano ka ba, ang dami na nating nakain, ah," natatawa na lang sabi ni Khrystelle na bahagya niyang tinabig ang mangkok na may lamang ulam.
"No, kain ka pa. Masarap ito! Kakain pa rin ako."
"S–sige na nga." Wala siyang nagawa kun’di pagbigyan ito.
At sa pagkagulat ni Khrystelle, marami pa talaga siyang nakain kahit busog na siya.
Pagkakain ay nagyaya itong maglakad-lakad pa sila sa labas kahit malamig ang paligid.
"O,gusto mo bang pumasok tayo sa acoustic bar na iyan? Mas okay diyan dahil may live band. Hindi kagaya sa disco-bar na puro ingay lang ang maririnig mo." Napahinto si Nathaniel nang mapadaan sila sa hilera ng mga panggabing-libangan sa naturang lungsod.
"Ah,sige."
"Pero hindi ka maglalasing, ha?"
"Bakit, ayaw mo na ba akong alagaan, ayaw mo na akong bantayan?" natatawang tanong niya.
"No, it's not like that. Kahit alagaan at bantayan kita magdamag para lang hindi ka mapahamak, okay lang sa akin. Kaya lang, masama kang malasing. Baka mamaya ay magising na lang ako sa sampal mo bukas ng umaga dahil akala mo ay may ginawa ako sa iyo."
Natawa lalo ang dalaga.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko na iyon gagawin kahit na malasing ako at magising na magkayakap tayo. Dahil alam ko, ako ang may kasalanan kapag nangyari iyon ay sa kakulitan ko. Pero huwag kang mag-alala, hindi ako maglalasing ngayon. Iinom lang ako ng kaunti. Saka makikinig lang ako sa music. O, okay na ba iyon?"
"Sure! Let's go?" anito. Pagkuwa'y hinila na siya nito sa kamay.
Napasulyap siya sa magkahawak nilang kamay, ah, bakit ba hindi na siya naiilang sa hawak nito?
At panatag na panatag na ang kanyang loob dito kahit pa kagabi lang sila nagkakilala.
"Pasok ka. . ." sani niyo saka niluwagan ni Nathaniel ang bukas ng pinto ng hotel suite nito.
"Thanks." Humakbang si Khrystelle papasok. "Malaki pala itong suite mo, hindi ko napansin kaninang umaga dahil lutang ang utak ko. Saka ang mahal tiyak nito, ano?"
"Ah, opisina ang nagbayad nito. Upo ka. Teka, gusto mo bang mag-order ako ng kape para mawala ang pagka-tipsy mo? Although hindi kasing dami ang nainom mo kagabi ang nainom mo ngayon, pero alam kong medyo nahihilo ka. Napansin ko sa paghakbang mo kanina na parang nagkakabuhol ang paghabang mo, eh."
Napangiti si Khrystelle.
"Ah, oo nga. Pero ayokong magkape, baka hindi ako makatulog." Humakbang siya patungo sa naroong sofa at naupo. "Alam ko naman na safe ako kapag ikaw kasama ko." Pagkuwa'y isinandig niya ang ulo sa sandalan ng sofa at ipinikit ang mga mata.
Napatitig si Nathaniel sa katabi na dalaga, pagkuwa'y humakbang ito palapit sa kanya at naupo sa tabi niya.
"Khrystelle?"
"Hmm?"
"Puwede bang magtanong?"
"Ng ano?"
"Baka magalit ka?"
"Bakit, ano bang itatanong mo? Kung medyo bastos, magagalit nga ako." Pero hindi naman siya nag-abalang dumilat.
"Hindi, ah. Medyo personal lang."
"About Warren?"
Natigilang napadilat ang dalaga at malamlam ang mga matang tumitig sa katabi.
"What about him?"
"Hindi ka magagalit?"
"Hindi nga!"
"Do you love him that much? Kapag nag-subside na ang galit mo sa kanya, sa palagay mo, madali mo siyang mapapatawad? I mean. . . alam kong galit na galit ka sa kanya ngayon, pero siyempre ay lilipas din iyon, lalo na kung makakapagpaliwanag siya nang maayos at hihingi ng tawad."
"Ano ka ba? Hindi ba't sabi mo ay huwag ko siyang patawarin kahit na lumakad nang paluhod pabalik sa akin?"
"It's just a slip of tounge. Siyempre ay may sariling utos na susundin ang puso mo kapag—“
"My answer is definitely no, Nathaniel. Kahit na lumuhod siya sa harap ko, hindi ko siya mapapatawad, lalong hindi ko matanggap at lalong hindi na ako pakakasal sa kanya. Well, siguro nga ay minahal ko siya. Pero alam mo ba, dahil sa mga negatibong ugali niya ay dumating na ako noon sa point na kinukuwestiyon ko ang sarili ko kung dapat pa ba akong magpatuloy sa kanya?"
"Kung ganoon, bakit umabot pa kayo sa point na magpapakasal ka sa kanya?"
"Well, siguro, dahil gusto ko ring umasa na magbabago siya. Anyway, may mga katangian din naman kasi siyang maganda. At iyon ang pinagsisisihan ko, pinilit ko pang hanapin ang maganda niyang katangian, dumating pa tuloy ako sa point na para akong spy-agent na bumuntot sa kanya rito sa Baguio para lang makatiyak sa hinala ko na hindi pa rin talaga siya nagbabago sa pagiging womanizer niya. Anyway, okay lang at least may nakilala akong isang kaibigan na kagaya mo."
Napangiti si Nathaniel.
"Thanks, kaibigan na pala talaga ang turing mo sa akin."
"Yeah, dahil pinatunayan mo iyon sa akin kagabi. I mean, kaninang madaling-araw."
"Thanks you appreciate what I have done. O, okay ka na ba? Hindi ka na nahihilo?"
"Hindi na, pero inaantok na ako."
"Sige, matulog ka na roon sa kama."
"Ah, dito na lang ako sa sofa. Makikitulog na nga lang ako, mang-aagaw pa ako ng kama."
"Ano ka ba. Napaka-ungentleman ko naman kung ako ang mahihiga sa kama gayung ikaw ang babae."
"No, hindi puwede, basta sa kama ka at ako riyan sa sofa."
"Nathaniel-“
"Please, ha?"
Napabuntong-hininga na lang ang dalaga.
"Sige na nga."
"Thanks." Napangiti na lang si Nathaniel dahil napapayag nito si Khrystelle, iyon ay kahit na sigurado ang binata na magiging mahaba rito ang gabi dahil mahirap matulog na alam mong babae sa kama mo na labis mong hinahangaan ang taglay na kagandahan.