“What the hell! Ikaw na naman? What are you doing here?” gulat na gulat si Nathan ng sa kanyang paggising ay nasa ibang kuwarto siya at kasama pa si Alexandra. Huling naalala niya ay nag-inuman sila ng mga kausap niyang investors para mag-celebrate. Paano nangyari na naroon ito at katabi pa niya sa kama? “Nakalimutan mo na agad? Ikaw itong lumapit sa akin kagabi at sinabi mong sasamahan kita. At dahil sa nahirapan na ako sa iyo kagabi dahil lasing na lasing ka, dito na kita dinala sa kuwarto ko. Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil sa pagmamagandang loob ko sa iyo,” paliwanag naman ni Alexandra. “s**t! I don’t need your help!” “Hindi iyan ang narinig ko sa iyo kagabi,” ani Alexandra. “What? Paano nangyari? At bakit andito ka na naman?” tanong ni Nathan saka tumayo na at isa-isan