"Where have you been?" nag-aalalang tanong ni Alice sa anak nang pumasok ito sa kabahayan nila.
"Ma, pagod ako." Pahinamad na naupo sa sofa ang dalaga at ipinikit ang mga mata.
"But you have to explain to me if what ha-“
"Ma, bukas na tayo mag-usap, please?"
"Khrystelle, mahigit dalawang linggo ka nawala, naka-off ang cell phone mo, tapos ay sasabihin mo sa akin na bukas na lang tayo mag-usap? Alam mo bang pabalik-balik dito si Warren at labis nang nababahala sa hindi mo pag-uwi."
Natigilan siya nang marinig ang pangalang iyon. "Anong sabi niya?"
"Ang sabi niya, nag-away daw kayo sa Baguio at nag-walk out ka. Napilitan daw siyang bumalik dito dahil akala niya ay narito ka na. Ano bang nangyari, ha?"
"Hindi ba niya sinabi sa inyo, Ma?"
"Wala nga siyang ibang sinabi kun’di nag-away daw kayo. Bakit ba kasi? Alam mo bang tawag nang tawag dito ang kausap ninyong wedding coordinator dahil may pag-uusapan pa raw kayong ibang detalye. Saka iyong may-ari ng restaurant para sa reception, hinihingi na iyong kulang sa bayad ninyo. Anak, kulang dalawang linggo na lang at ikakasal na kayo. Kung anuman ang naging problema ninyo ni Warren, ayusin na muna ninyo. Aba, masamang pangitain iyan. Baka hindi maging maayos ang pagsasama ninyo kung ganyang ngayon pa lang ay wala na kayong ginawa kun’di mag-away. What was it this time, ha? Nagselos ka na naman ba sa mga babaeng sinusulyapan niya habang namamasyal kayo?"
"Ma, please? I don't want to talk about him anymore, okay? Afterall, kayo lang naman ang laging nagsasabi sa akin na patawarin ko si Warren kapag may nagagawa siyang kasalanan sa akin, hindi ba?"
"Oo nga, pero-“
"This time, it's final, Mama. Wala ng kasalang magaganap sa amin ni Warren."
"Ano? Khrystelle, ano na naman ba iyan? Baka nabibigla ka lang at-“
"No, it's all over. Magpapahinga na po muna ako." Pagkuwa'y, umakyat na sa sariling kuwarto ang dalaga para matulog… kung makakatulog siya.
Kinabukasan, maagang pumasok si Khrystelle sa boutique. Nadatnan niya ang kaibigang si Ella na kinakausap ang mga tao nila. Dalawang branch ang boutique nila at hands on silang magkaibigan sa pagma-manage niyon.
“Bakit naman ganiyan ang mukha mo? Para kang nalugi friend,” bungad nitong sabi sa kanya.
“Well, marami akong ikukuwento sa iyo na alam kong masasabunutan mo ako,” aniya saka tinatamad na naupo sa swevil chair niya at ipinatong ang siko sa mesa at saka nangalumbaba.
“Then starts it now at ako’y hindi na makapaghintay,” wika nito saka naupo sa bakanteng upuan sa harap ng mesa niya.
Kaagad naman ikinuwento ni Khrystelle sa kaibigan ang mga nangyari sa Baguio.
"What? My God! Bakit mo ginawa iyon? Kung may problema man sa inyo ni Warren, bakit hindi ninyo pinag-usapan?"
"I'm fed-up with him," tila tulalang wika ni Khrystelle.
"Paano iyan? Sa napakaikling panahon nang pagmumukmok mo sa Baguio, nakipagrelasyon ka pala sa ibang lalaki?" lalong nabahala ang kaibigan niyang si Ella na tanging napagsabihan niya ng mga nagawa at nangyari sa kanya sa Baguio.
"Wala. Hindi tuloy ang kasal, at hindi ko na rin hahanapin ang magaling na lalaking iyon na bigla na lang missing in action." Pero ang totoo, tila may malaking kamao na pumiga sa kanyang puso. Hanggang ngayon, kahit anong pilit niya balewalain ang mga nangyari ay hindi parin niya matanggap na niloko lang siya ni Nathaniel. . . dahil hanggang ngayon, naramdaman pa rin niya sa kanyang puso ang katapatan ng mga salita nito.
"Paano ka na? Akala ko ba, pakakasal ka lang sa lalaking pag-aalayan mo ng lahat sa iyo, pero sa nangyari. . . hindi ka na nga pakakasal kay Warren, naiwala mo pa ang-“
"It's okay, charge it to experience."
"Ano? At kailan pa naging ganyan ang pananaw mo sa buhay? Oh, my God! Paano kung sa isang gabi na may nangyari sa inyo ay nagbunga pala?"
Bigla napaisip ang dalaga at biglang kinabahan sa sinabi ng kaibigan.
"Anong gusto mong gawin ko, ha? Mag-iiyak? Sinabi ko lang sa iyo ang nangyari sa akin, dahil gusto ko lang magluwag ang kalooban ko, pero hanggang doon na lang iyon. Kahit si mama, hindi ito malalaman. So, please, keep it to yourself, ha?"
"Hay, ewan, ano pa nga ba ang magagawa ko? Paano, ipapa-cancel mo na sa wedding coordinator ninyo ang lahat?"
"Ano pa nga ba?"
"Sayang naman ang pera."
"Pera naman iyon ni Warren, hayaan mo siya,” tila walang pakialam na sabi niya.
"Sabagay. Pero nang huli ko siyang makausap, mukhang hindi siya papayag sa hindi matuloy ang kasal ninyo."
"Hayaan mo siyang magpakasal sa sarili niya."
"Khrys. . . iyong lalaking sinasabi mo, sa palagay mo ba, talagang niloko ka lang niya?"
"Kahit ayokong isipin dahil mas nasasaktan ako, wala naman akong ibang maisip na dahilan sa bigla niyang pagkawala."
"Baka naaksidente, baka. . .may nangyaring masama sa kanya."
"Kahit iyon ay ayokong isipin, Ella. Mas nasasaktan ako sa isiping iyon, at mas nawiwindang ang puso ko."
"So, sa ganoon kaikling panahon ay nagawa mo siyang mahalin ng higit pa kay Warren?"
"Ewan, s–siguro, baka. H–Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin. N-nakita mo naman, hindi ba? Ako pa ang nag-alok ng sarili ko sa kanya." Bahagyang pumiyok ang kanyang tinig dahil sa sinabi.
"O-Oo nga, samantalang si Warren, kahit na niyaya ka ng pakasal ay hindi ka pa rin bumigay. Hay, he must be something. Ano nga name niya?"
Natigilan si Khrystelle, hindi makapagpasya kung sasabihin sa kaibigan ang pangalan ng lalaking tumangay hindi lang sa kanyang puso kun’di pati na rin ang iniingatang dangal niya.
"Nathaniel. . . Fernandez."
"Nathaniel Fernandez! Totoo? Isang Fernandez ang. . .nakilala mo?"
"Oo."
“Hindi mo ba kilala ang mga Fernandez?"
"I've heard about them, mga business tycoon. Galing sa mayayamang angkan. Pero nang magkakilala naman kami, hindi ko naiisip iyon. Ni hindi ko nga naalala ang mga Fernandez. Ang alam ko lang, kakaiba ang naramdaman ko para sa kanya. Nang mawala siya, bigla kong naisip, baka naman hindi totoo ang ibinigay niya sa aking pangalan. Kaya kahit na pumasok sa isip ko na hanapin siya sa angkan ng mga Fernandez, sinaway kong sarili ko. A-Ayokong mapahiya."
"Ganoon?"
"O-Oo."
"Hay, ano kayang gagawin natin?"
"Ang manahimik, iyon ang gagawin ko,” ani Khrystelle. Ayaw niyang malaman ng iba ang kagagahan niya. Tama ng sa kaibigan na lang niya sinabi ang lahat dahil alam naman niyang mapagkakatiwalaan ang kaibigan niya.
Mabilis lumipas ang oras. Matapos kasing masabi ni Khrystelle ang lahat na kaibigan ay ginugol niyang ang oras sa trabaho para kahit papaano ay makalimutan niya sa Nathan. Alas sais na kaya naisipan niyang umuwi. Kanina pa kasi umuwi ang kaibigan niya dahil sinundo ito ng boyfriend nito. Ibinilin na lang niya sa assistant ang pagsasara ng boutique.
Nang makauwi siya, nadatnan niyang naroon sa labas ng gate si Warren at inaabangan siya. Hindi niya alam kung bakit hindi ito tumuloy sa loob ng bahay nila.
“Can we talk?” he asked.
“For what? Wala na tayong dapat pag-usapan pa Warren dahil tinapos ko na ang lahat ng kung anong meron tayo!” galit niyang sabi.
“Please…”
Hindi niya ito sinagot pa ng dalaga. Bagkus ay dumiresto na siya sa loob at isinara ang gate. Dumiretso siya sa kanyang kuwarto ngunit naririnig pa rin niya ang pagtawag ni Warren sa labas. Wala talaga siyang balak balikan pa ito dahil na rin sa ilang beses nitong panloloko sa kanya. Ilang beses rin naman niyang pinatawad ito at siguro ito at sa pagkakataong ito ay hindi na niya ito mapapatawad pa. Hindi dahil sa nakilala niya si Nathaniel kun’di talagang ngayon niya na-realize na hindi talaga sila para sa isa’t isa ni Warren.
Makalipas ng ilang tatlumpong minuto ay hindi pa rin tumutigil si Warren. “Khrystelle…” rinig niyang tawag nito.
Kanina pa siya naririndi at nakakahiya na rin sa mga kapitbahay nila ang pambubulabog nito kaya naisipan niyang harapin ito. Bumaba siya at nilabas ito.
“Ano ba!? Hindi ka ba makaintidi? Sinabi ko ng tapos na tayo, hindi ba?” aniya.
"NO, you can't do this to me, Khrystelle?" intense na wika ni Warren na sa wakas ay hinarap na rin ng dalaga matapos ang ilang pagwawa sa harap ng bahay nila.
"And why not?" nakataas ang kilay na wika niya.
"Khrystelle, everything is settled, ang araw na lang ng kasal ang hinihintay natin."
"Sana ay naisip mo iyan noong gabing mas pinili mo ang babaeng ka-date mo kaysa magpaliwanag sa akin at ayusin ang gusot noon pa man."
"Khrystelle, sabi ko naman sa iyo, hindi ba? We have a business deal, at kung iniwan ko siya ng gabing iyon, hindi ko makukuha ang big deal na iyon na hawak ng kanyang kumpanya at—“
"Shut up, Warren! Alam mo, this is nonsense. Dahil kahit na magsirko ka pa, kahit na magmakaawa ka pa at lumuha ng dugo, wala na ring mangyayari. Wala na rin akong pakikinggan sa mga paliwanag mo. You know why? Because I don't love you anymore."
"Krystelle. . ."
"Dahil ng gabing iyon. . .kung hinabol mo lang sana ako. . .hindi ko sana nakilala ang lalaking talagang mamahalin ko. . .at pag-aalayan ng sarili ko."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Wala na, Warren, wala na ang kalinisang ipinagmamalaki ko sa iyo, I give it to someone na. . . nakahihigit sa iyo."
"Khrystelle. . ."
"Now, tell me, matatanggap mo pa bang pakasalan ang babaeng. . .hindi na kasinglinis ng akala mo?"
"N-No, no! I won't believe you, Khrys. I know, sinasabi mo lang iyan para tigilan kita. But I know you. . .you're a very decent woman. Hindi ka. . .papayag sa ganoon. That's why I'm madly in love with you. Kaya sa kabilang ng mga babaeng nagdaraan sa buhay ko, ikaw lang ang inalok ko ng kasal."
"Talaga? Hah? Utang na loob ko pa pala ‘yon sa iyo?"
"Khrytelle, please, bawiin mong sinabi mo."
"No, I can't. Hindi ko na kayang bawiin ang nasabi ko. You may go."
"Khrystelle, ang laking kahihiyan nito sa family ko."
"That's the price you have to pay dahil sa malikot mong puso,” galit na sabi ng dalaga.
“Please, ayusin natin ito,” pakiusap nito.
“Wala na. Hindi na maaayos ito dahil ayaw ko na at sana tigilan mo na ako. Umalis ka na!”
Hindi na nakagsalita pa si Warren. Tumalikod na lang siya at laglag ang balikat na nilisan na lang niya ang tahanan nina Khrystelle.