Chapter 6

1562 Words
"Khrystelle, huwag ka sanang magalit sa sinabi ko. Kasi. . . ah." Halos uutal-utal na sabi ng binata. "It's okay," nakangiting wika niya. "Hindi ako galit." Saka nahiga na siya sa kama at tumalikod dito. "I know it's just sa slip of tounge. Alam kong nabigla ka lang, o baka gusto mo lang magbiro. Sige na, higa ka na, tulog na tayo. Goodnight!" Pagkuwa'y ipinikit na niya ang mga mata matapos magkumot. Habang naiwan nakatigagal si Nathaniel. Mayamaya ay humakbang palapit sa kama at naupo uli doon. "Khrystelle?" Napalingon ang dalaga, naglapat ang mga mata nila. "B—Bakit?" "I'm just telling the truth." Naging malamlam ang titig nito sa dalaga. "Kung ikaw ang babaeng iyon, hindi ako papayag na hindi maging maayos ang lahat sa pagitan natin." "N–Nathaniel. . ." napabangon mula sa kama ang dalaga. "Khrystelle. . . I' m sorry kung masyado nang magiging pangahas ang dating ko sa aaminin ko. Pero nahihirapan na kasi ako." Pagkuwa'y masuyo nitong ginagap ang kanyang palad. "N—Nathan. . ." lihim na napalunok si Khrystelle. Now he's too close, at lalo pang lumiit ang pagitan nila dahil nararamdaman niya na marahan siyang hinihila palapit ng binata. "Khrystelle. . . I love you," usal nito. "N–Nathan. . . don't say that." "Why? Dahil hindi ka naniniwala sa sinasabi ko, sa nararamdaman ko?" "Because we've just met and-“ "Time is immaterial, Khrystelle. Siguro nga ay napakaikli pa ng panahong magkakilala tayo pero anong magagawa ko, kaydali kong naramdaman sa puso ko ang damdaming ito." "N—Nathaniel." "And tell me, Khrystelle, wala ka bang naramdaman kahit ano para sa akin?" Pagkuwa'y tuluyan na nitong kinabig palapit ang dalaga. "N–Nathaniel, No!" tinangka ni Khrystelle na manulak. "I love you. . ." saka tuluyan nang naglapat ang mga labi nila. Nathaniel. . . bulong ng puso ni Khrystelle, hanggang mapapikit ang mga mata niya. Ilang sandali pa, kusa na ring kumilos ang mga labi ng dalaga, utos iyon ng kanyang puso. "Khrystelle. . ." anas nito nang kusang ilayo ang sarili sa kanya. "N—Nathan. . . natatakot ako. . ." "Saan?" masuyong humaplos sa pisngi niya ang palad nito. "K—Kakatapos ko lang sa isang bigong relasyon, tama bang tumalon na naman ako sa isang bagong relasyon gayong napakaikli pa ng panahong-“ "Khrystelle, just give me a chance, just say that you love me too ang everything will be alright. I'll swear, we could have a perfect relationship na hindi natin nakamit sa mga nakaraan nating relasyon." "N—Nathaniel. . ." wala na siyang masabi pa. At nang muli siyang kabigin palapit na binata at muling sakupin ng mga labi ang mga labi niya. . .muli na lang niyang tinugon ang halik nito. Yes, it's perfect. . .almost perfect. Dahil sa ilang araw pa nilang pananatili sa Baguio, pinatuynayan at ipinaramdam sa kanya ni Nathaniel na iba ito sa mga lalaking nakilala ni at minahal. He's a true gentleman, maliban sa mga yakap at na kanilang pinagsaluhan, hindi na lumalagpas ang binata sa hindi nakikitang guhit ng pagiging maginoo at mapusok, iyon ay kahit na nakakatulog silang magkatabi at magkayap sa mga gabing maginaw. . . Iba siya kay Warren, kung ang lokong iyon ang kasama ko, siguradong hindi iyon titigil hanggang. . .walang nangyayari sa amin. Ah, that jerk, bakit kasi umasa ako sa magbabago siya? Pabuntong-hiningang yumakap siya sa katabing si Nathaniel na mahimbing ang tulog. "Baby, bakit?" naalimpungatan ang binata at marahan din siyang niyakap. "W-Wala lang, gusto ko lang yumakap sa iyo. Ayaw mo ba?" wika niya na tila kinikilig pa dahil sa pagtawag sa kanya ng baby ni nathan. "Ayaw? Ano ka ba? Paano ko aayawan ang bagay na gustung-gusto kong gawin!" masuyo nitong tinaniman nang maliliit na halik ang kanyang buhok at noo. "Alam mo naman na wala akong nais kun’di ang mayakap ka palagi, hindi ba? Pero kailangan kong sawayin ang sarili ko dahil ayokong isipin mo na nagsasamantala lang ako. Ayokong isipin mo na iyon lang ang gusto ko sa iyo." "N—Nathaniel. . ." malamlam ang mga matang tiningala niya ang binata. "Hindi ko iyon iisipin, Nathan, dahil hindi naman ako bulag. Alam ko kung paano ka magtimpi sa mga gabing magkayakap tayong natutulog. Alam kong nahihirapan ka pero tinitiis mo. And thank you so much for that. Hindi ko talaga inaasahan na may lalaki pang kagaya mo." "Babe actually, ngayon ko lang nagawa ito.” "Anong ibing mong sabihin?" "Maging matapat na ako sa iyo, Babe, hindi ako ganoon kasanto, ayokong magmalinis sa iyo. My women comes and goes at sa mga ganitong pagkakataon na nakakasama ko sila, hindi ko ikakailang may nangyayari sa amin. Well, mga game kasi sila, liberated. Masyado lang kitang mahal kaya nagagawa kong magtiis. At alam ko ang ayaw ko sa lahat ay iyong lalaking nagte-take advantage." "Talaga? How did you know that? Parang hindi ko naman yata nasabi sa iyo na ang dahilan kaya nangaliwa ang tangang Warren na iyon ay baka dahil hindi ko siya pinagbigyan sa pre-marital s*x na gusto niya." "Talaga? Hindi mo natatandaan na sa unang gabi pa lang na magkakilala tayo ay sinabi mo na sa akin iyan? Oh, well, maybe, dahil siguro lasing na lasing ka ng gabing iyon." "H—ha? Nasabi ko iyon sa iyo?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. "Yes. . .ibinibulong mo iyon habang nagsasayaw tayo na nakayakap ka sa akin." "T—talaga? Naku naman, masyado na pala akong naging at-home sa iyo ng gabing iyon." "It's all right, at least ay nakilala ko na agad ang babaeng nagpapatibok nang ganito kabilis sa puso ko." Saka masuyo nitong kinintalan ng halik ang mga labi niya. "N—Nathaniel. . ." napapikit na lang ang dalaga at ninamnam ang masarap na pakiramdam nang magkalapat nilang mga labi at magkayakap na mga katawan. At kagaya ng dati, alam ni Nathaniel kung kailan ito dapat tumigil. Ilang sandali pa ay mahimbing na silang nakatulog. "Babe, were going home the next day after tomorrow, okay lang ba sa iyo?" masuyong tanong ni Nathaniel habang nakaupo sila sa bench sa ilalim ng isang puno sa Burnham Park. Katatapos lang nilang mag-jogging ng umagang iyon at mayamaya ay magbi-breakfast na sila sa isang kalapit na coffee shop. "O—oo naman. Bakit, ayaw mo pa bang umuwi?" natatawang tanong ni Khrystelle nang lingunin ang katabi. "Ano sa palagay mo?" nakangiti pero malamlam ang mga matang wika nito. "Well, sa palagay ko, ayaw mo pa. Para kasing ang lungkot ng mga mata mo." Napabuntong-hininga na lang si Nathaniel. "Para saan iyon?" "Ah. . .wala lang. Huwag mong intindihin." "Ano ka ba? Why not tell me? Akala ko ba love mo ako?" "Oo naman!" "Then, tell me, what is that, ha?" "Ah. . .baka kasi. . .mapahiya lang ako kapag sinabi ko." "Ano ka ba? Bakit ka naman mapapahiya?" "Dahil sasabihin mo na napakaaga pa para sabihin ko iyon." "Ang alin?" pero lihim siyang kinabahan baka may nais talaga itong hilingin, baka kagaya ni Warren ay gusto na rin nitong may mangyari sa kanila. Kapag iyon nga ang nais nitong sabihin, ano kaya ang kanyang gagawin o sasabihin? "Wala. . ." "C'mon, why not try me?" malambing siyang kumapit sa braso nito at isinandig ang pisngi sa mamasel nitong braso. "What is that, ha?" kahit na ano pa ang nais nito, gusto pa rin niyang malaman. "Gusto mo talagang malaman?" "Oo nga! Ano iyon?" "Babe, will you marry me?" "N-Nathaniel!" talagang nagulat siya dahil hindi iyon ang kanyang inaasahan. "Babe. . . two weeks pa lang tayong magkakilala, at one week pa lang na mag-on. Yes it's too early. . . it's like a whirlwind romance, pero anong magagawa ko? I love you so much at nababaliw na yata ako sa iyo!" saka masuyo nitong niyakap ang dalaga. "Gusto na kitang makasama palagi. . .maangkin. . .gusto ko nang magkapamilya kasama ka." "N-Nathaniel. . .I know our feeling is so intense. . . I feel the same way. Gusto ko na ring makasama ka. P-pero hindi natin kailangang magmadali, hindi ba? Let's give ourselves a chance." "Chance for what? Chance na maghiwalay pa?" may bahagyang galit sa tinig ng binata. "Hindi! Siyempre ay hindi. Chance to know each other more better." Bahagya siyang lumayo sa binata at masuyong hinaplos ang pisngi nito. "Khrystelle, Babe, this is me. I'll swear, what you have is what you get. Wala na akong ibang itinatago sa iyo, ako na ito. Sinabi ko na sa iyo na may iba akong naging kalokohan noon. . .pero wala na iyon. At alam ko, kung ano ang nakikita ko sa iyo ngayon ay ikaw na iyan. So, bakit pa natin kailangang patagalin?" "Babe, I love you, I just want to be with you. And I know it will be forever. We belong to each other, kaya tayo nagtagpo sa malamig na lugar na ito. . .because we can warm each other hearts." Natahimik ang dalaga, mayamaya ay napangiti. "Khrystelle. . .?" "Y–yes. . . I believe in you. I will marry you." "Khrystelle? Talaga?" "Yes, I will marry you." "Khrystelle! Oh, God! thank you! I love you! Pagdating natin sa Manila, ipakikilala kita sa pamilyan ko, ha? Wala nang makakapaghiwalay sa atin, pangako!" "Yeah. . . wala na." Sinelyuhan nila ng mapusok na halik ang mga pangakong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD