"GUSTO mong dagdagan ko pa, pinsan? Hah! Hindi na yata ikaw ang kilala kong pasensiyosong tao---" "Sige! Subukan n'yo akong pigilan at tingnan natin kung saan kayo aabutin! Pinsan kong buo ang amo ninyo at kahit tauhan niya kayo rito sa AGDA ay hindi ibig ay mas mayroon kayong karapatan! Kayong lahat! Kahit sa korte suprema pa tayo magkita-kita ay kayang-kaya ko kayong harapin, kayo, kaya n'yo ba?!" Kulang ang salitang galit na galit upang ilarawan ang hitsura ni Darlene sa oras na iyon. Naging abala man siya sa buhay nilang mag-asawa ngunit updated naman sa mga kaganapan sa kanilang pamilya. "Wifey babe, maari naman kayong mag-usap ni bayaw na hindi nagsisigawan. Babalikan kita mamaya kako sana kaso baka magbarilan pa kayong magpinsan." Hindi tuloy naiwasan ni Lewis Roy ang sumabad. A

