Kabanata 34 "MATTHEAUS!" sambit ko kasabay ng aking pagsinghap. Nasapo ko ang aking noo at ang aking dibdib. Tila yata ang sama ng tulog ko. Bumaba ako sa kama at laking gulat ko nang mapuna kong nakahubad pala ako. Napahawak ako sa aking tiyan. May malaking pilat ako sa tiyan. 'Di ko naman matandaang nagkasugat ako sa tiyan. Kinuha ko ang kumot at itinakip sa katawan ko. Napamasid ako sa aking buong paligid. Nasa isang malaking silid ako. Nahinto ako sa harapan ng salamin. Agad akong napalapit at pinagmasdan ang sarili kong replika. Bukod sa dati nang nagbago ng tuluyan ang buhok ko ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang mga mata ko. Kulay pula na ito, maging ang mga kuko ko ay humaba rin ng konti. "Mattheaus!" Dali-dali akong lumabas ng silid. Naniningkit pa ang mga mata ko nang tumama