Step Twenty Seven. - Habang nasa taxi ako at hinihintay na makarating ako sa bahay ay panay naman ang text sa akin ni Harold. Hindi ko iyon pinapansin. Kasi mas lalo lang akong kinakabahan. Oo at nakainom ako, pero hindi yun sapat para lumakas ang loob ko. Ganito pala yun? Kapag magtatapat ka na ng nararamdaman? Yung tipong gustong gusto mo ng sabihin pero nakakatakot, kasi natatakot kang ma-reject. Kaya nga nagtataka ako kung paano naipapakita ni Harold na mahal n'ya ako gayong lagi ko naman syang ni-rereject. "Ito po ang bayad manong, salamat." Inabot ko sa driver ang bayad ko at saka binuksan ang pinto ng taxi para bumaba. Umiikot na ang paligid ko. Pero hindi naman sobra na talagang hindi ko na alam ang ginagawa ko. Naaninag ko kaagad si Harold na nakaupo sa tapat ng bahay namin.