Step Twenty Two. - Pinatay ko ang phone ko ng marinig sa pangsampong pagkakataon ang pagtunog 'non. Sa loob ng tatlong araw, nagkulong ako sa loob ng bahay. Hindi ko sinasagot ang tawag ni Harold sa phone. Ni-block ko rin sya sa f*******:. Hindi ko alam kung paano ko pa haharapin si Harold. Galit ako sa kanya, kasi pinagsamantalahan n'ya ako nung lasing ako. Ni hindi manlang n'ya naisip na lasing ako 'nong gabing iyon at sana manlang pinigilan n'ya ako. Kaya nga mas galit rin ako sa sarili ko eh, kasi hinayaan ko yung sarili kong malasing ng sobra at bumigay ng ganon lang sa kanya. Sa totoo lang, natatandaan ko talaga lahat. Oo, nalasing ako 'nong gabing iyon. Pero meron bang taong nalalasing na hindi alam ang ginagawa? Siguro iyong mga naka-shabu hindi na nila alam. Pero iyong lasing