Step Twenty Five. - Natigilan ako. Hindi ko alam kung lilingon ba ako o hindi. Kasi iyong boses n'ya, kahit hindi n'ya na pilit na ginagawang panlalaki. Kilalang kilala ko. "Honey, ikaw yata yung tinatawag." Sabi sa akin ni Stella. Bumaling ako kay Stella at nginitian sya. "Oo nga, may utang pala ako sa babaeng iyan. Teka lang hon ah, dyan ka lang." Nilingon ko si Kray na ngayon ay nakakunot na ang noo. Parang tambol na ang puso ko sa sobrang kaba. Kasi sa loob ng dalawang buwan, ngayon ko na lang ulit sya nakita. "Kumusta ka na pala?" Tanong ko saka pilit na ngumiti. Ngumiti rin sya sa akin lalo na ng tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Hinawakan ko ang braso n'ya at hinila sya ng mas malayo kay Stella. "Teka okay lang ako." Sagot n'ya tsaka binawi ang braso n'ya. "Bakit mo ba a